Grupong ito ay mayroong mithiin.
Siyang tula ang ibig ay siyang lilipunin.
Tutulong upang kakayahan mo'y palawakin.
Bawat isang gawa ay siyang lilinangin.

Nais na sana'y walang kaguluhan.
Ating respetuhin ang bawat kaganapan.
Nawa'y bigyang daan ang isang baguhan.
Kung 'di mo tipo ay agad nang lumisan.

Pagkakaibigan ay siya rin aming pakay.
Sa pakikisama ay dapat kang masanay.
Sariling kapayapaan ay nasa iyong kamay.
Di kami hahadlang ngunit sayo'y gagabay.

Kung ika'y manunulat ng isang istorya,
Sa pagsali sa amin ay huwag mangamba.
Di porket tula ang aming inuuna,
Ibig sabihin ika'y balewala na.

Iyong tandaan na tayo dito'y pantay-pantay.
Huwag nang balaking ikumpara sa estado ng iyong buhay.
Sa bawat oras ay piliting makisabay.
Iyong sarili'y sa grupong ito ay ihanay.

***

Wattpad Poems Is Our First Priority.

***

Join us in our Facebook Group:
https://www.facebook.com/groups/PluMakata/

And do visit us on our PAGE:
https://www.facebook.com/PluMakataOfficial/

Thankyou! :)
  • Manila, Philippines
  • JoinedNovember 12, 2014



Last Message
PluMakata PluMakata Jul 13, 2017 12:11PM
May pakulong naisip ang PluMakata team. P'wedeng sumali ang kahit na sino basta hindi kabilang sa aming resident writers. Isa itong paligsahan sa paggawa ng tula na may temang, "Sa lahat ng panahon...
View all Conversations

Stories by PluMakata Official
Battle of the Poets 2018 by PluMakata
Battle of the Poets 2018
Ihanda ang mga mahuhusay na pluma, Muling dadanak ang tinta ng mga makata, Nalalapit na ang digmaan ng mga tu...
Gwapings by PluMakata
Gwapings
A contest made exclusively for men.
Isa pa, please! by PluMakata
Isa pa, please!
May pakulong naisip ang PluMakata team. P'wedeng sumali ang kahit na sino basta hindi kabilang sa aming resid...
ranking #344 in makata See all rankings
1 Reading List