ParkBhemin_95

@WattPatimpalak
          
          
          Punyal
          
          Kasabay ng pabuhos ng malakas na ulan 
          Siya rin hudyat ng pagapaw ng nararamdaman 
          Kasing lakas ng kulog ang bawat sigaw 
          Na patuloy paring  umaalingawngaw
          
          Tuluyang nailabas ang salitang hindi dapat 
          Dahilan para ang aking sarili  ay magulat  
          Sa mga salitang binitawan na nagiwan ng marka
          Marka na mas masakit pa sa kalmot at sampal sa mukha 
          
          Bakas sa mata ang sakit na naparamdam 
          Sa mala-espadang dila hindi ko inasam 
          Nainis lamang sa salitang hindi ko inaasahan 
          Lalabas sa bibig mo't mukhang pang nangaasar 
          
          Minsan katahimikan ang kailangan paganahin
          At sariling damdamin munang ang ating unahin 
          Di sapat paghingi ng tawad at paumanhin 
          Sa sugat at lason na  patuloy  paring dadamhin
          
          Kasalanan ko ba  kung ako'y sensitibo?
          Sa mga salitang binitawan  mo tingin ko ay negatibo
          Na akala niyo ito ay mga nakakatawang biro 
          Ngunit parang punyal ito sa aking puso