Hi author, labis akong natuwa sa napakaganda at nakakaantig na kwento ni Zahara. Isa ka sa mga hinahangaan kong writer, isa ka sa aking inspirasyon. Gusto ko sanang magpaalam saiyo at humingi ng permiso. Nais kong ipagpatuloy ang kwento ng mga taga Zahea, nais korin na muling itayo ang mahika de akademiya. Pangako, hindi ko sisirain ang nasimulan mo.
MAHIKA DE AKADEMIYA CHRONICLES: CAELUM THE LOST SON OF ZAHEA
Storyline:
Sa mata ng mundo, isa lamang siyang pang karaniwang binata—isang mortal na isinilang at lumaki sa gitna ng kasinungalingan. Walang bahid ng mahika, walang palatandaan ng pagkakaiba, at ang tanging alam niya sa kanyang sarili ay isa siyang hamak na nilalang sa gitna ng masalimuot na daigdig. Ngunit sa pagpatak ng kanyang ikalabing-pitong kaarawan, unti-unting magigising ang mga lihim na matagal nang itinago—mga alaalang nilimot, mga pangakong isinumpa, at kapangyarihang mas matanda pa sa panahon.
Sa isang iglap, gumuho ang mundong kanyang kinagisnan. At sa halip, isang bagong landas ang ibinukas ng tadhana—isang landas ng mahika, digmaan, at katotohanang maaaring ikawasak ng lahat kung hindi niya ito kayang yakapin. Sa kanyang mga kamay nakasalalay ang kapalaran ng dalawang daigdig—ang mundong mortal na kanyang minahal, at ang mundong mahiwaga na kanyang pinagmulan. At sa puso niya, isang tanong ang paulit-ulit na sumisigaw:
Sino nga ba siya—at sapat ba siya upang gampanan ang kapalarang itinakda sa kanya?
Sana ay pahintulutan mo ako, author.