KumanderJuanDer

Yung naghintay ka ng ilang oras para lang makausap si crush, kaso susupladuhan ka lang.
          	
          	Love on Delivery - Chapter 6 is now updated.
          	
          	https://www.wattpad.com/story/384833971

KumanderJuanDer

Montecillo University: The Gentle Bully - Chapter 70(Final Chapter)
          
          Tumikhim si Eli bago nagsalita. “Ikaw ba, napatawad mo na ba ako sa nagawa kong kasalanan?”
          
          Natagalan bago makasagot si Cassy. “Hindi ko alam kung pagpapatawad ba ang tawag doon pero hindi na ako galit sa iyo.”
          
          
          “Okay na sa akin iyon. Ang mahalaga, nagkita tayo ulit na wala ka nang sama ng loob sa akin. Huwag kang mag-alala. Kapag nakalabas na ako rito, hinding-hindi mo na ako makikita.” May kirot na naramdaman si Eli nang banggitin niya ang huling kataga. Hindi niya kayang kalimutan na lang ang lahat ng pinagsamahan nila ni Cassy pero hindi makatarungan para sa kanya na makasama pa siya ng dalaga pagkatapos ng masasamang alaala.
          
          “Ano'ng ibig mong sabihin?” tanong ni Cassy.
          
          “My parents decided na ipatapon ako sa abroad after ng mga kagag*hang nagawa ko. Doon na rin ako mag-aaral para daw magtino ako,” saad ni Eli.
          
          Hindi niya alam kung bakit bigla na lang tumulo ang luha ni Cassy. Hindi naman nakakaiyak ang sinabi niya dahil alam niyang papabor sa dalaga ang paglayo niya. 
          
          “Kahit kailan talaga kayong mga lalaki, ang hilig ninyong mang-iwan!” bulyaw ni Cassy na ikinagulat ng lahat ng nasa loob ng presinto. 
          
          Napatayo si Eli na kaagad nilapitan ang dalaga. “Cassy, ano bang nangyayari sa iyo? Bakit. . . bakit ka ba umiiyak?”
          
          “’Di ba, sabi mo, g*go ka? Oo, Eli, g*go ka talaga! Pagkatapos mong iparamdam sa akin na mahal na mahal mo ako, iiwan mo lang din pala ’ko!” Hindi napigilan ni Cassy ang sarili nitong hampasin si Eli sa dibdib pero kaagad niya itong hinawakan sa magkabilang braso at niyakap nang mahigpit. 
          
          “You have no idea how much I love you. Pero pinapangako ko sa iyo, bagong Eli na ang makikita mo pagbalik ko,” wika ni Eli.
          
          “Promise mo sa akin 'yan, siraulo ka.”
          
          “Yes. I promise.”
          
          

KumanderJuanDer

Montecillo University: The Gentle Bully - Chapter 69
          
          Hinawakan siya ng pulis sa braso bago hinila palabas ng condominium building. Pinagtitinginan siya ng mga taong dumaraan pero hindi iyon naging kabawasan sa pagharap niya sa krimeng nagawa. Mas nahihiya pa siya sa pamilya ni Cassy kaysa sa mga taong panay ang tingin sa kanya na wala namang alam sa totoong nangyari. Pasakay na sana siya ng patrol car nang biglang dumating si Iñigo na tila ba hingal na hingal sa pagtakbo.
          
          “Sandali lang, officer. Puwede ko bang makausap muna anang anak ko?” pakiusap ni Iñigo sa pulis na dumampot sa kanya.
          
          “Sige po. Pero sandali lang,” pagpayag nito.
          
          Lumapit sa kanya ang ama. “Tatawagan ko kaagad ang abogado natin at makakalaya ka kaagad. Don’t worry, bailable naman ang kaso mo, Eli.”
          
          Hindi alam ni Eli kung matutuwa siya o maiinis sa narinig. Kung kailan kailangan niya ng suporta ng ama, saka lang ito dumating. “Haharapin ko ito nang mag-isa. Pero may gusto lang po sana akong hinging pabor sa inyo, Dadeh. Sana, kahit ito man lang, magawan ninyo ng paraan.”
          
          “Ano 'yon?”
          
          “Huwag n'yong tanggalin ang scholarship ni Cole. Nagawa lang talaga iyon ni Cassy dahil sa akin.” Alam ni Eli na ang ama lang niya ang makakatulong sa kanya sa sitwasyong iyon. Wala siyang ibang maaring mahingan ng tulong sa Montecillo University kundi si Iñigo lamang. Sa ganoong paraan man lang ay makabawi man lang siya kay Cassy. Desperado na siya at wala nang pakialam kahit ilang oras na lang ay malamig na rehas ang sasalubong sa kanya.
          
          Ngumiti lang si Iñigo bago sinabing, “Titingnan ko kung anong magagawa ko.”
          
          
          “Salamat po.” Iyon ang huling katagang iniwan ni Eli sa ama bago tuluyang sumakay sa patrol car. Kahit mukhang malabo, dala pa rin niya ang pag-asang mapapatawad siya ni Cassy.

KumanderJuanDer

Montecillo University: The Gentle Bully - Chapter 68
          
          “I am that guy who almost killed your twin-brother.” Sa pagkakataong iyon ay hindi na nagawa pang titigan ni Eli ang dalaga sa mga mata. Hindi lang dahil sa nahihiya siya sa nagaw kundi dahil din sa ayaw niyang makita itong nasasaktan na siya ang dahilan.
          
          “N-No. You’re lying,” hindi makapaniwalang sambit ni Cassy.
          
          “Iyon ang totoo, Cassy. Ako ang dahilan ng lahat at handa akong panagutan ang mga nangyari.” Wala pang ilang segundo ay naramdaman kaagad ni Eli ang malakas na paglapat ng palad ng dalaga sa kanyang pisngi. Hindi man siya nakatingin sa dalaga ay dinig naman niya ang malakas na paghikbi nito dala ng pag-iyak. Hindi na niya nagawa pang makagalaw sa kinatatayuan at naramdaman na lang niyang kumalabog ang pinto nang lumabas si Cassy. Wala nang dahilan pa para sundan niya ito dahil sa pagkakataong iyon, alam niya sa sariling wala na siyang karapatan pa na kausapin ang dalaga.