Bago ako nag-decide magsulat ulit ngayong taon, ang nasa isip ko lang ay magsulat para pampawala ng stress, pampasaya, basically para i-indulge ang sarili ko. At totoo nga, nakakawala talaga ng stress ang pagsusulat. Mas nakakagana pa lalo kapag ginagawa mo lang siyang libangan, kasi malaya kang magsulat ng kahit ano.
Medyo skeptical pa nga ako noon na i-share yung mga sinusulat ko. Baka tamarin lang ako kapag naramdaman kong walang nagbabasa. Pero ewan ko, parang may nagtulak talaga sa’kin na ibahagi pa rin yung mga gawa ko.
At hindi ako nagsisisi. Hindi ko maikakaila, may malaking impact ang pagkakaroon ng mambabasa, lalo na yung mga masisipag mag-comment at magbahagi ng saloobin nila tungkol sa binasa. Para kayong fuel! Mas ginaganahan akong magsulat dahil sa inyo. Hindi na lang para sa akin ang pagsusulat ngayon para sa inyo na din. Kaya maraming, maraming salamat sa inyong lahat.
Yes po! Pwedeng mag comment per chapter sa website ko. Meron din akong "Ask Me" section kung saan pwede kayo magtanong ng kahit ano. See you there!