
DyslexicParanoia
Hey guys, Admin Lee 'to. We would like you to know na we will stop uploading DP's mature stories here on Wattpad (We will remove all of them soon) para mga intentional readers na lang ang makaka-access sa kanila, dahil 2025 na at nasurvive na natin ang pandemic kaya 'di na namin trip makipagbardagulan sa mga self-righteous na readers na kunwari'y naligaw rito at aksidenteng nakapagbasa ng medyo mature para magkaroon siguro sila ng chance magsabi ng "ewwww kadiri" (lol!!!) Sa totoo lang po, natatawa lang kami sa mga tulad ng mga 'to at this point (it's sad to be that kind of person), but then again, okay lang naman, most of these materials were the author's experimental work in the past para ma-test niya kung kaya niyang magsulat ng mga gano'n kahit hindi naman talaga 'yun ang style niya. Para po sa mga open minded and Mature readers na gusto 'yung gano'ng materials, don't worry, anything that we will remove here, ililipat lang namin sa www.restricted.dyslexicparanoia.com o ire-release lang namin as a Free eBooks sa Ko-Fi, Google Play or Apple Books, para 'yung mga intentional readers na lang talaga ang makakabasa. Wala na po si DP sa magulo at masalimuot na stage na nag-iimbita ng new followers or readers. At this point, ang gusto na lang niya ay magkaroon ng safe spaces para sa mga gawa niya, para mabasa ng mga taong naghahanap lang talaga sa mga stories niya. Para sa mga naligaw dito na 2025 na ay wala pa ring pagbabago ang makikitid na utak. O, ayan na ang solusyon namin para hindi niyo na "aksidenteng mabasa" ang medyo dark and mature na gawa niya. Ano? Happy na kayo. Dapat happy na kayo, dahil happy na rin kami. Salamat po sa inyong lahat na patuloy na nagbabasa rito.

12349sjsjauauwu
@DyslexicParanoia that’s really sad, but hey it’s their loss. ive been reading your story since 2017, and it’s so good! we’ll keep supporting you ‘til the end, author!
•
Reply

KarleenMedalle
@DyslexicParanoia Nadadamay tuloy ang mga readers na gusto kayong manatili rito sa Wattpad.
•
Reply