Hello, avid reader ako noon ng mga kwento mo, noong hayskul pa ako circa 2018-2019? Di ko na masyado maalala. Iba rin yata gamit kong account non haha. Bago ako tumalikod sa pagwa wattpad non dahil nag kolehiyo, meron akong naalalang sinulat mo. Paki tama na lang ako kung tama ba yung pagkakaalala ko haha
Basta dalawang lalaki sila, naghahanda para sa bar exams nila (?) Tapos biglang may batang dumating (?) Alala ko rin na meron silang tibo na kaibigan. Hindi ko lang sigurado kung tama pa ang memorya ko pero hinanap kita talaga para sana ituloy yung pagbabasa ko non pero mukhang na discontinue ata? Di ko lang maalala talaga yung pamagat non
Ayun lang. Di ko naman alam na sa pagka-hopeless romantic ko ay babalikan ko yung mga kwentong nagpakilig sa akin noong hayskul haha. Konting update lang din sakin (kahit di mo hinihingi ), working na din kahit papano haha
Matapos ang ilang taon, binabalik balikan ko pa rin ang Biglang Liko, Three Wishes, etcetera. Ayun lang!