Magsimula tayo sa pahinang pira-piraso, 
Pakinggan ang bulong na puno ng sekreto,
Ewan, nakakahumaling ang taglay mong anyo,
Nakakatunaw ang bawat ngiting mapanukso,
Ako'y umaasa dinggin ang aking pagsusumamo,

Ngunit ang realidad ay walang pangako,
Hadlang siya sa tadhana na ako ang nag-imbento,
Nakakalungkot isipin na lahat ay malayo,
Kasama kang umiyak, tumawa at malungkot animo'y iisa tayo,

Subalit bukas magigising ako sa mga mata kong malabo,
Walang patutunguan ang daan sa nilikha kong mundo,
Nakakapanlumo ang masasaktan sa pag-ibig na patago,
Sa bagay hindi naman ako umiral sa iyong isip at puso,

Ayaw na sana kitang titigan at pangarapin pa ginoo,
Nang sa ganun puso ko'y tuluyan ng huminto,
Lalakad ako palayo sa iyong humahabol na anino,
Isip ko'y pananatiliin ka na lamang sa kapana-panabik na anyo,

Walang bahid ng takot na mahalin ka hanggang dulo,
Upang sa huli maisip kong kahibangan ito,
Isa kang pag-ibig na hindi magiging totoo,
Tanging pantasyang nagmula sa libro,

Ako at ang imahinasyon ko ang sayo'y bumuo,
Tama, ako din ang magbibigay kataposan sa maikling kwento,
Para ka sa kaniya at siya'y para sa iyo,
Paalam, masaya akong nagpantasya ng isang tulad mo,


My Stories

Genres: Fantasy/Young adult/Mystery Thrilled/Action/comedy
🗝️The Mischievous
🗝️Epilogue
🗝️Oticeys
#SERIES (GENRES COMBINATION OF YOUNG ADULT & FANTASY)
🗝️Time Machine
🗝️RESTART
🗝️Love is a beautiful pain
  • JoinedDecember 30, 2016



Last Message
Anneiluj020 Anneiluj020 Feb 19, 2022 06:10PM
Alam mo yung masakit?Durog ako sa loob ng apat na taon at nagpapatuloy 'yon. Ang sakit lang isipin na sa bawat pagpikit ng aking mga mata... simula natin ang nakikita ko.Hindi ko pa rin kayang magp...
View all Conversations

Stories by Rhiku
LOVE IS A BEAUTIFUL PAIN by Anneiluj020
LOVE IS A BEAUTIFUL PAIN
Goodbye & Forget Kwento 'to ng dalawang taong pipiliin magmahal kahit paulit-ulit nasasaktan ng sitwasyon at...
ranking #150 in died See all rankings
TIME MACHINE by Anneiluj020
TIME MACHINE
Maraming proseso ang pagdaraanan nito. Kung handa ang utak mo... tara, samahan mo akong tapusin ang paglalakb...
ranking #599 in problem See all rankings
Restart by Anneiluj020
Restart
Zea Mae Forteza was once a loving and cheerful person until one event changed the course of her life - an eve...
ranking #319 in teens See all rankings
2 Reading Lists