(Chapter 12) "INSANITY"

176 18 1
                                    

[A/N]

Guyz, sorry for this short and bara-bara UD......

Hope you like this bara-bara chap. Hehehehe.......

*************

(THIRD PERSON's POV)

"Kailan ba talaga to matatapos?!"

Ito ang tanong na nagpapaulit-ulit sa utak ni Chesca. Kasalukuyang nasa-ospital si Shaila. Hanggang ngayon ay wala parin itong malay, 11:00 na ng gabi pero mulat na mulat parin ang magkakaibigan at binabantayan ang kanilang kaibigan.

"Bakit ba lagi nalang may humahadlang sa atin kapag tatapusin na natin ang lahat" malungkot na tanong ni Oliver.

"Hindi siya titigil hanggat di tayo nauubos" sagot ni Anna. tumango ito't umiyak.Nilapitan siya ni Chesca at kinomfort ang kaibigan.

"Anna, pinapangako ko na sa oras na mag kamalay si Shaila ay tutuloy na natin ang seremonya upang maalis sa atin ang itim na espirito." Ani Chesca.

"Tama si Chesca, sa oras na magising si Shaila ay sisimulan na natin ang seremonya gamit ang black book ng lolo Josepino ko" sabi ni Christian. Kita sa mga mata ni Christian ang kalunglutan ng banggitin niya ang pangalan ng kanyang nasirang lolo. Nagu-guilty siya na hindi man lang niya nasilip ang libing ng lolo niya ng pumanaw ito. Wala narin siyang naging balita ng pumanaw ito.

"Christian. pagnatapos natin to, I promise pupuntahan natin ang lolo mo at aasikasuhin natin ang lahat sa bayan niyo" ani Chesca ng mapansin ang lungkot sa mga mata nito ng mabanggit ang pangalan ni Lolo Josepino niya.

"Sige, tapusin muna natin ang mga problema dito" ani Christian sabay bigay ng isang matamis na ngiti, ngunit halata parin ang kalungkutan sa mata nito. Lumapit si Chesca dito at niyakap siya. Nakaramdam ng katahimikan sa puso at isipan si Christian ng dahil sa yakap ng minamahal.

"Guyz, pwede naba kaming umuwi at magpahinga antok na ako eh" ani Oliver.

"Oo nga" pagsang-ayon ni Anna.

"Sige, good night at inggat kayo" ani Chesca.

"Eh, kayo?!" Tanong ni Oliver sa dalawang naka-upo parin sa tabi ni Shaila.

"Dito muna kami ni Christian" tugon ni Chesca habang nakatitig sa sugatang si Shaila.

"Sige, uwi na kami! Best, Christian ingat kayo" ani Anna bago naglakad paalis. Tumango naman ang dalawa.

"Bye" ani Oliver.

Makalipas ang isang oras at mulat na mulat parin ang dalawang naka-upo sa tabi ng walang malay na si Shaila.

"AHHHHHHHHHH" paghuhumiyaw ni Christian. Nalalag ito sa kinauupaan at namilipit sa sahig. "AHHHHHHH"

"CHRISTIAN!" Ani Chesca sabay lapit sa namimilipit na nobyo.

"Christian, sabihin mo anong masakit?! Tatawag ako ng nurse" ani Chesca. Tatayo na sana ito ng pigilan ito ni Christian.

"D-dito k-ka lang, Ch-chesca" pagpigil ni Christian.

"Hinde! Pwede mong ikapahamak yan kung di natin maaagapan!" Ani Chesca habang patuloy sa pagpupumiglas. Laking gulat ni Chesca ng bigla siyang hatakin ni Christian at hinalikan sa labi. Isang punong pagmamahal ang ginamit ni Christian upang patahanin si Chesca at upang mabawasan ang sakit nararamdaman sa kanyang dibdib at sintido. Hindi na nagpumiglas pa si Chesca.

"KYAAAAAAAAAAAA!!!!!!!" Natigil ang dalawa ng biglang naghihihiyaw si Shaila. Agad itong tinungo ni Chesca samantalang dahan-dagan namang tumayo si Christian dahil nakakaramdam parin ito ng pananakit ng ulo at dibdib.

          

"SHAILA! WAG KANG MAGALALA NANDITO LANG KAMI" nagaalalang sabi ni Chesca habang pinapahinahon ang kaibigang kasalukuyang nagwawala.

"S-SI ABY! NANDITO LANG SIYA DI NIYA AKO TITIGILAN!" nagwawala ito habang paulit-ulit na isinisigaw ito.

"Chesca, diyan lang kayo. Tatawag ako ng doctor at nurse" sabi ni Christian at dali-dalimg tumakbo paalis.

**********

Kahit masama ang pakiramdam ay nagpumilit paring tumakbo si Christian upang makahingi ng tulong sa mga nurse at doctor upang pakalmahin ang nagwawalang si Shaila. Mabuti nalang ay may nakiya siyang nurse sa di kalayuan.

"N-nurse, kailangan ng tulong ng kaibigan ko" tawag niya ng atensyon sa nakatalikod na nurse. Nagtaka si Christian kung bakit hindi ito sumasagot o lumingon man lang kaya agad niya itong tinunton at kinalabit sa likuran.

"N-nurse" tawag niya rito. Nanglaki ang mga mata niya ng humarap ang nurse. May ulo ito ngunit blanko ang mukha. Wala itong mata, bibig, ilong maging tenga.

"Sh*t" tarantang tumakbo si Christiam sa naturang nurse.

Sa wakas ay nakakita na ito ng mga nurse at doctor sa ward ng ospital agad niya itong tinawag at inabisuhan sa nangyayari sa kaibigang si Shaila. Agad namang nagsikilos ang mga naturang nurse at doctor.

"Salamat naman at buhay na ang naka-usap ko!" Ani Christian sa kanyang isip.

**********

Tila hindi na alam ni Chesca ang gagawin. Ayaw makinig sa kanya ni Shaila, patuloy parin ito sa pagsigaw at pagwawala...

"Nurse hawakan niyo siya ng mabuti" ani ng isang doktor ng makapasok ito sa loob ng kwarto ni Shaila kasama ang tatlong nurse. Agad na hinawakan ng tatlong nurse si Shaila at marahan namang itinurok ng doctor ang isang injection kay Shaila na naging dahilan upang kumalma ito at muling humiga sa kanyang kama.

"D-doc. Ano pong nangyayari sa kaigan ko?!" Nagaalalang tanong ni Chesca sa doktor. Nilapitan siya ni Christian at niyakap.

"Maaari ko po bang malaman ang mga nangyari sa kaibigan niyo bago siya isugod dito?" Balik na tanong ng doktor sa dalawa.

"Basta po lumipat po siya ng bagong bahay. Dadalawin po sana namin siya, at nangmakarating kami roon ay bigla nalang bumagsak sa harap mg kotse namin si Shaila at mukha pong nahulog siya mula sa terace ng bahay niya
..." paliwanag ni Chesca. "At pagkagising niya po ngayon, bigla nalang po siyang nagwala at nagsisisigaw" patuloy pa nito.

"S-SI ABY, NANDITO LANG SIYA! PAPATAYIN NIYA AKO!" Kahit na nanghihina na ay pinilit parin ni Shaila na sumigaw.

"Maaari ko pa bang itanong kung sino si Aby?" Muling tanong ng doctor.

"Ang pagkakaalam ko po ay si Aby po ang pqboritong manika ng kaptod niya. At takot rin po siya sa mga manika may Pediophobia po siya" tugon ni Chesca.

"Pag-umanhin niyo. Ngunit, bukas pa ng umaga namin siya maaaring i-check kaya di pa namin malalaman ang tunay niyang lagay." Paliwanag ng doctor.

"Sige na maiwan ko muna kayo, maayos nanaman ang lagay niya at maya-maya'y makakatulog na siya" doktor. Tumango naman ang dalawa at umupo sa tabi ni Shaila na ngayong ay nakapikit na at di na nakayanan ang antok.

"Shaila, magiging maayos ang lahat. Nandito lang kami nila Anna" ani Chesca habang hinahaplos ang buhok nf kaibigan.

"Chesca, magpahinga ka muna. Ako ng bahala kay Shaila" sabi ni Christian. Nginitian lang siya ni Chesca.

"Gusto ko ring bantayan si Shaila. Ayoko ng mabawasan muli ng taong malapit sa akin" ani Chesca. Yumuko ito at umiyak.

"Chesca, kaya natin to. Diba bukas na natin ipagpapatuloy ang ritwal upang paalisin sa inyo ang babaeng itim.... muli natin siyang ikukulong sa puno, sa puno kung saan nagsimula ang lahat......." ani Christian.

***********

Author's Note:

Guyz, thank you sa walang sawang pagbabasa nitong fear.... (kung may nag babasa hehehe)...... sana di po kayo mag sawa sa pagbabasa nito hanggang sa dulo.....

And belated Happy Valentines po :)

Kaway- para sa mga single

Talon-talon-para sa mga taken

Sumigaw ng "May Forever!"-para sa mga naniniwala sa forever....

Ngiti-para sa mga It's complicated ang Status..... (kahit papaano matuto parin tayong ngumiti)

At.....
.
.
.
.
.
.
Kain ng asukal-para sa mga bitter :)

Vote ang Comment po (please) :)

Salamat......

God bless......

FearWhere stories live. Discover now