CHAPTER FIVE

2.6K 33 0
                                    

CHAPTER FIVE . Edited

"Tonyang! May nanapansin ako sayo ah!" wika ni kuya Dean habang kumakain kami ng almusal.

"I know kuya, gumanda ako di ba?" inilapit ko pa sa kanya ang mukha ko at nag beautiful eyes.

Halos mabulunan si kuya sa kinakain niya at naibuga pa niya. Yun 3 points sa mukha ko! Yuck!

Ang galing nga niya magbasketball, kahit kanin shoot eh! Shoot sa mukha kong maganda. Siya na talaga! Whoo! Idol! PSh!

"Ano ka ba?!" angil ko habang pinupunasan ang mukha.

*cough* "Eh ano ba naman *cough* yang pinagsasabi mo?" *cough*

"Yun naman ang napansin mo di ba?" tugon ko.

Feelengera mo kasi Tonyang, pero hindi talaga ee.

Nagpa derma na nga kaya ako.di nga lang kay Belo, next time na lang daw sabi ni Mommy, kaya dun na lang kami sa pinupuntahan nya, may suki card kasi siya dun! TSk!

Hmph! Siguro di effective?? Or di pa kita ang effect?? First session pa lang kasi ee.

"Hindi noh!" sagot niya.

"So sinasabi mong panget ako? Huh? Kuya?"

"May sinabi ba ako?Wala naman di ba?Ikaw nang sabi niyan hindi ako."

Ayun Asssumera ka kasi Tonyang.

Tingnan natin. Who you ka sa akin paggumanda ako kuya!

Napatingin siya sa akin. "May sinasabi ka??"

"Huh? Ako? Wala ah! Di ba ikaw yung may sasabihin??" Yun naka lusot. Nakakatakot pa naman pag ganyan si kuya.

"Aah, yeah! Sino yung lalaking kayakapan mo noong isang araw?" matalim niya akong tiningnan.

"Kayakapan agad? Hindi ba pwedeng umakbay lang siya sa akin?" sabay roll eyes. Gosh! Hindi pa siya sanay eh ang ganda ng kapatid niya! *Flips hair*

"Akbay? Halos nagbulungan kayo ah! at ikinawit mo pa ang kamay mo sa bewang niya, kilig na kilig ka namang malandi ka! Di kana nahiya, PDA ka!" Sigaw niya.

Wow! Kung makapagsalita ang lalaking hindi malandi.

"Kilig na agad? Hindi ba pwedeng naka ngiti lang? At bakit kaba sumisigaw??" ganting sigaw ko din. Aba! Siya lang ang aunong sumigaw? Ako din kaya!

"Ngiti ba yun? Eh halos mapunit ang labi mo sa kakangisi. Alam ko kung kelan ka kinikilig at naka ngiti lang. ngiting aso yun Tonyang!"

"OA ka naman sa reaction kuya. Kaklase ko lang yun, naki kopya ng assignment."

"Ano naman na assignment aber?" naka cross pa niyang tanong.

Psh! Bakit hindi ba pwedeng may maki copy sa akin ng assignment? Parang minamaliit niya ang ang matalino kong utak ah.

"Sa math!" proud kong sagot.

"Naki kopya pa sa lagay na iyon? Eh ako nga ang gumawa mo ng assignments mo sa math eh! Lokohin mo ang manloloko din Tonyang!"

Natigilan ako sa sinabi niya at nanlalaking mgamatang tumingin sa kanya. "Talaga??? May HD sa akin si Grant?? Oh my GOD! I need to tweet this!" halos magtatalon ako sa tuwa at kinuha ang iphone ko na dual sim at nag tweet.

"Hoy Tonyang!!" tawag ni kuya pero di ko na pinansin mag hohomily nanaman yun eh! tsk! I need to tweet this! Hohoho

TONYANGANDA [Tony Ang Ganda]: ikr! May HD talaga sa akin si crushie ahahaha sabi na nga ba eh palusot.com lang niya yung assignment. Hihi hart hart hart.#alamNaThis!

Pag yun kasi ang sabi ni kuya, well I'm sure may katotohan yun. Lalaki din siya kaya alam niya.

TLT: galit ang manloloko sa kapwa manloloko same as malandi sa kapwa malandi hohoho

*beep*

PRETTYKENDRA: @TONYANGANDA si fafa G ba yan gurl? Baka #Assumera ka nanaman?

Online pala ang inggitera. Tsk! Kahit sa social media ganyan talaga siya. Halata na naiinggit! hmp!

TONYANGANDA: @PRETTYKENDRA Gaga! Hindi noh! Si kuya na ang nagsabi. Syempre lalaki din yun alam niya.

PRETTYKENDRA: @TONYANGANDA weeh? Di nga?Paano ka naman magugustuhan nun? Eh di ba nag kopya lang naman siya ng assignment. HotdogAtMangoShake ang suhol. Ang cheap huh?!

I'm sure abot hanggang pluto nanaman ang kilay niya.

TONYANGANDA: @PRETTYKENDRA hindi yun suhol noh! Nahiya lang ata siya na aminin eh. #KiligMuch<3 <3 <3 inggit ka lang!!

PRETTYKENDRA: @TONYANGANDA #Feelengera ka! hindi ka type nun wala kang dede! At bakit ako maiinggit sayo??

Ansabe hindi daw?? Sabagay hindi siya naiinggit dahil sobrang naiinggit siya!! gosh! Nakakahaggard ng beauty siya kausap huh?

TONYANGANDA: @PRETTYKENDRA at sino naman ang type niya? Ikaw? LaslasNaFriend!

PRETTYKENDRA: @TONYANGANDA hindi kasi ang type niya yung nanalo na Miss BSBA.

TONYANGANDA: @PRETTYKENDRA ows?? Are you sure? Paano mo nalaman?

Gawa gawa naman siya ng kwento. tsk!

PRETTYKENDRA: @TONYANGANDA ni stalk ko at confirmed sa @SEXFILES BigtiKa Na!

Pag may picture type na agad? hindi ba pwedeng nagpa pictue lang? hay naku mga assumera, ang daming namamatay sa maling akala. Tsaka mas maganda pa ako dun noh!

TONYANGANDA: @PRETTYKENDRAStalker lang ang peg teh?Baka nagpa picture lang!

PRETTYKENDRA: @TONYANGANDA duh? Picture na nagkikiss sa lips? I'm sure nilalandi ka lang nun at ikaw naman si Assumera naglandi din. Baka gusto mo nanaman maging headline huh?

Headline? Ganyan talaga pag sikat at maganda, anong bago? Duh?At sanay nanaman ako eh, kahit mali mali naman ang nakalagay na info geh gora lang, dyan sila masaya eh. Push!

TONYANGANDA: @PRETTYKENDRA uso nay un ngayon. TALO NG MALANDI ANG MAGANDA. Eh maganda din naman ako kaya carrybells lang :D

PRETTYKENDRA: @TONYANGANDA saan ang kinaganda teh? Eh puro likod ka lang naman ah.

TONYANGANDA: @PRETTYKENDRA yan ka nanaman. Support mo na lang ako friend.

PRETTYKENDRA: @TONYANGANDA oh siya sige kahit labag sa kalooban ko #PushMoYanTeh kahit flat ang dede mo.

Bitch please!

TONYANGANDA: @PRETTYKENDRA bakit ba ang dede ko ang palaging issue sa yo? #AnongPinanglalabanMo?

PRETTYKENDRA: @TONYANGANDA wala naman teh magbabalat na lang ako ng patatas :D

TONYANGANDA: @PRETTYKENDRA #FlatDedeHater

Kung totoo nga well, tingnan na lang natin. At saka mas maganda naman ako dun sa babae.

Substitute ko lang naman siya eh! Kaya wag nga siya magmaganda. Second best lang siya dahil ako yung unang sinabihan na magrepresent ng bracket namin.

Sa ganda kong to? *flips hair*

But unfortunately, hindi umabot sa required height ang height ko. Five-three ang height ko, but ang required height is five-five. Short ako ng two inches!

Pero kahit na! Second best pa rin siya! Kung okay sana ang height ko, wala siya ngayon sa kinalalagyan niya. Pasalamat pa nga dapat siya sa akin eh!

Hmph! Nakakahaggard huh??!

ANG DIARY NG MALANDIWhere stories live. Discover now