Chapter 13

6K 280 26
                                        

LUMIPAS ang mga araw na hindi namamalayan nila Edward na malapit na pala sila magtapos pag-aaral. At sa mga araw na dumaan ay wala nang mukha ng isang Anika silang nakita na kinahinga naman ni Edward ng maayos.

"Bro, are you okay?" Tanong nila kay Edward. "Yeah! I'm just tired." Sagot nito.

"Why? Anong ginawa mo nitong mga nagdaang araw?" Taka namang tanong ni Marco sa kanya.

"Sinimulan kung ipaayos yung patahian namin." Anito. "Gusto mo ba ng tulong?" Seryusong tanong sa kanya ni Aljhon.

Umiling naman ito. "Hindi ko naman minamadali bro, kaya okay lang. May ilang buwan pa naman tayong natitira bago ang graduation natin." Anito. Tinapik naman siya ni Aljhon sa balikat. "Okay. But if you need help. I'm just one call away." Tumango naman ito bilang sagot sa kaibigan.

"Thanks bro."

"Anyway, ready na ang lahat." Maya ay ani Rainier sa kanila. Napatingin naman silang lahat dito. "What?" Taka nitong tanong.

"Ano ang ready na ang lahat?" Usisa dito ni Sean. "Tangna niyo. I'm talking about the preparation of Samañego's wedding." Sagot nito.

"Gago. Kung magsalita ka kasi e ayusin mo." Sita naman dito ni Marco.  "So, are you ready bro?" Si Brent na binalingan si Edward. Napangiti naman ito.

"Kailan ang kasal ko?" Bagkos ay tanong niya sa kanila na kinatawa ng mga kaibigan niya. "Ikaw lang ang hinihintay kung kailan mo gustong basbasan." Ani Sean sa kanya. Hindi alam ni Edward kung paano niya mapapasalamatan ang mga kaibigan niya. Kung wala ang mga ito ewan na lang niya kung saan siya pupulutin.

"Kakausapin ko muna si Jenny. I need to talk to her, ayaw ko siyang biglain." Kakamot-kamot nitong sagot. "Tangna mo Samañego, binigyan mo na nga ng singsing mabibigla pa ba sa lagay na yun." Ani Brent na agad binatukan ni Rainier.

"Gago, kahit binigyan pa niya yun ng singsing ay iba parin kung alam niya ang nangyayari. Dahil hindi lahat ng babae ay nakukuha sa surprise." Ani Rainier kay Brent na napakamot ng ulo.

"Talk to her. Ako na ang bahala magpa-reserve ng table para sa inyo," si Andrew na bigla na lang sumulpot kung saan. "Wag kang magkakamaling tanggihan yun Samañego." Nagbabanta ang mukha nito ng makitang magtatangkang magsalita si Edward.

"Mga bro, pero subra-subra na----

---don't say anything bro." Putol ni Aljhon sa pagsasalita niya. Napaupo naman ito ng tuwid sabay hinga ng malalim. "Fine. Thank you mga bro." Pagsuko na lang niya sa mga ito.

"Here," napatingin naman si Edward sa maliit na papel kung meron nakasulat dito na inilapag ni Andrew sa harapan niya. "The restaurant." Dagdag nito.

"Thank you bro."

NANG makauwi si Edward ay nakangiti siyang lumapit sa nobya. Nasa kusina ito at tila abala ito sa ginagawa. Kaya maingat na ipinulupot ni Edward ang dalawang kamay sa baywang ng nobya.

"Hey." Bahagya itong lumingon kay Edward at tiningala niya ang mukha ng nobyo. Nakangiti namang kinintalan ni Edward ng halik ang labi ng nobya. "Anong ginagawa mo?" Maya ay tanong niya kay Jenny.

"Naghahanda ng lulutuin ko para sa dinner natin." Sagot nito. "Wag kana magluto dahil sa labas tayo kakain." Anito kay Jenny.

"Okay," dahil sa sinabi ni Edward ay ipinulupot ni Jenny ang dalawang kamay sa leeg ng nobyo. "Kumusta ang patahian?" Tanong niya kay Edward. Gusto niyang sumama kay Edward ngunit hindi siya hinayaan ng binata. Katweran nito ay mainit daw sa labas kaya magpahinga na lang siya sa bahay. At alam ni Jenny na hindi siya mananalo kay Edward kaya nanatili na lang siya sa bahay at naglinis.

You'll also like

          

"Maybe after ng graduation natin ay matatapos na ang renovation." Sagot nito. "Okay. Pero wag ka masyado magpakasipag, Mister. Hindi pa naman tayo naghihirap." Pabiro nitong aniya sa nobyo. Alam niyang hindi mabubuhay sa kahirapan ang nobyo dahil laki ito sa karangyaan ng buhay. Kaya iniisip niya, kaya nagsisipag si Edward ay dahil takot itong maranasan niya ang mabuhay ng isang kahig isang tuka.

Pinitik naman ni Edward ng mahina ang noo ni Jenny dahil sa tinuran nito. "Silly. Of course nagsisipag ako hindi lang para sa atin kundi para sa magiging mga anak natin in the future." Anito. Dahil sa sinabi ni Edward ay napangiti ang nobya.

"Ang swerte ko talaga at ikaw ang naging boyfriend ko." Ani Jenny na pinanggigilan ang magkabilang pisngi ng nobyo. Pigil naman ni Edward ang sarili na wag mapangiti kaya mabilis niyang hinuli ang dalawang kamay ng nobya at mabilis itong binuhat. Pinaupo ni Edward ang nobya sa ibabaw ng mesa bago niya ipinulupot ang dalawang kamay sa baywang nito.

"I love you." Sumilay naman ang munting ngiti sa labi ng nobya habang magkahinang ang kanilang mga mata. "Mahal na mahal din kita." Tugon nito sa nobyo sabay pulupot niya ng dalawang kamay sa batok ni Edward.

"Hey. Wag ka nga ngumiti ng ganyan. Kita mo, amoy pawis ako." Maya ay ani Jenny kay Edward na mas lalo lang lumapad ang pagkakangiti. "Wala naman akong naamoy na pawis ah!" Anitong inamoy-amoy ang katawan ng nobya. Kaya mahina itong tinampal ni Jenny sa balikat.

"Tigilan mo ako, mister. Kaya ibaba mo ako dito at maliligo muna ako." Dahil sa tinuran ni Jenny ay tila meron kapilyohan na naisip ang binata. Dahil alam na alam na ni Jenny sa kislap pa lang ng mga mata nito.

"Ouch. Baby, naman." Sapo-sapo ni Edward ang noo na kunwari ay nasaktan ng pitikin ito ng nobya. "Ouch. Ou-chin kita dyan e." Ani Jenny na dinampian ng halik ang noo ni Edward. Napangiti naman ang nobyo na mabilis tinawid ang pagitan ng kanilang mga labi.

MAGKAHARAP na nakaupo sa mesang nakalaan sa kanila si Edward at Jenny. Masayang nag-uusap ang dalawa ng meron lumapit sa mesa nilang ginang. Kumikinang ang mga suot nitong alahas sa katawan na kinataas ng isang kilay ni Jenny.

"Balutin mo man ang buo mong katawan ng ginto, mas nangingibabaw parin ang pangit ng mukha mo," anito sa isip na bigla niyang nasita ang sarili. "Jenny. Kailan ka pa naging mapanghusga ng kapwa mo. Remember don't judge the book by cover." Sermon niya sa sarili.

"Edward. Hijo. How are you?" Anang ginang na kay lapad ng pagkakangiti niya. "I'm good. May I know you?" Tanong ng binata.

"Oh! Ako ang mommy ni Anika." Sagot ng ginang. "Sabi ko sayo, Jenny e." Biglang anang isip ni Jenny.

"Okay."

Halatang hindi interesado ang binata. "Why you don't join us, hijo? Lumipat kana lang sa mesa namin ng maipakilala ka ni Anika sa mga auntie niya at mga pinsan." Anang ginang.

"Huler. Madame, I'm not here." Gusto sanang isampal ni Jenny sa mukha ng ginang, ngunit pinigil niya ang sarili. It's not a right time para pumasok sa eksina.

"I'm already seating." Sagot ni Edward. Wala siyang pakialam kung maging bastos siya dito. Hindi ba nito nakikitang kasama niya ang girlfriend niya. Nanadya ba itong bastosin si Jenny.

"It's okay hijo. Pwede ka pa naman lumipat dun. Hindi pa naman kami nakakaorder ng pagkain kasi hinihintay pa namin ang pagdating ng mga pinsan ni Anika." Paliwanag nito kay Edward. Kung lalaki lang siguro ang ginang at nasa kaedaran niya ito ay baka nasuntok na niya ng wala sa oras.

"Excuse me po, sabi po niya nakaupo na siya. Why don't you just let him sit?" Hindi na napigilan ni Jenny na sumabat sa usapan ng dalawa.

"Who are you?" Mataray na tanong ng ginang sa kanya. "Edward's girlfriend." Taas noo naman sagot ni Jenny. Tinaasan naman siya ng ina ni Anika ng kilay.

"Really. I don't know that. Ang alam ko lang kasi ay fiance ng anak ko si Edward. So, I don't care who you are. Kaya wag kang makialam. I have a right para palipatin ng mesa si Edward." Anito kay Jenny na hindi naman nagpatinag sa tinuran ng ginang. Tudo pigil naman si Edward sa sarili. Halos ipagsigawan pa talaga ng ginang na fiance niya ang anak nito. Ano yun gagohan?

"Nananadya po ba kayong mambastos? Nakikita niyo naman pong meron kasama si Edward dito. Pero pinipilit niyo paring lumipat sa mesa niyo. And I said I'm his girlfriend." Hindi narin napigilan ni Jenny na wag magtaas ng boses sa ginang. Dahil mukhang mahina pang-intindi nito.

"You don't care if I'm talking to him. Fiance siya ng anak ko kaya natural na hindi ko hahayaang sa ibang mesa siya uupo samantalang nandyan naman ang mesa namin." Giit ng ginang na halos lumabas ang litid sa leeg habang nagsasalita.

Natawa naman ng pagak si Jenny. "Like mother. Like daughter nga naman. Kung makapal ang mukha ng anak. Bastos naman ang pinagmulan." Ani Jenny sabay tayo. Nakabantay lang naman si Edward sa nobya. Ayaw niyang masaktan ito. Kaya hindi niya hahayaang may gawing hindi maganda dito ang ina ni Anika.

"How dare you." Duro nito kay Jenny na ngumisi lang. "Kayo ang nagsimula nito ha. Kaya pasensyahan tayo. Ayaw kong mambastos ng nakakatanda sa akin kung karapatdapat na igalang ito. Pero sa inyo, hindi niyo kailangan ang respect," anito sa ginang na halos lumuwa na ata ang dalawang mata dahil sa tinuran ni Jenny.

"Matanong ko nga kayo. Kailan naging fiance ng anak mo si Edward? And do you have a proof that Edward is your future son in-law. Nagproposed ba siya sa anak mo. Meron ba siyang engagement ring na ibinigay?" Kung bastosan lang naman ang usapan e bakit magpapatalo si Jenny. Nauna itong mambastos kaya ibinabalik lang naman niya dito ang kabastosan nito. Ayaw niya sana itong ipahiya ngayon, pero sumusubra na kasi ito.

"Kawawa naman ang anak niyo. Ipinagsisigawan na fiance niya ang fiance ng iba," patuyang ani Jenny. "You see this. This is what they said a engagement ring. See, he give it to me not in your daughter. So, what that mean?" Nakangisi nitong aniya. Natigilan naman ang ginang.

"Oh. Hi Anika. Hindi mo ba nabanggit sa mother mo nung last time na nagkita tayo?" May kalakasan nitong tanong kay Anika na nakaupo sa mesa nila ng marinig nito.

"Don't forget what I said." Saad pa niya ditong kinayuko ni Anika. Pinagtitinginan na rin sila ng mga taong nasa loob ng restaurant. "Hubby. Parang nawalan na ako ng gana kumain dito. You know naman madali akong mawalan ng appetite kung nakakakita ako ng hindi kaaya-aya sa paligid." Ani Jenny kay Edward ng balingan niya ang nobyo sabay paypay niya sa mukha gamit ang isang kamay.

"Okay. Sa ibang restaurant na lang tayo kumain." Anang binata sabay tayo nito. "Please, stay. Wag kayong umalis. Special guest kayo dito. Kaya hindi dapat kayo ang umalis." Anang may katangkarang babae na sumulpot na lang kung saan.

"I own the restaurant. So, don't worry I can handle this. My cousin reserved the table for you. Kaya ibig sabihin ay isa kayo sa mga importanteng kaibigan para sa kanya." Anito bago meron itong sinenyasan na lumapit sa kanya.

Linapitan ng babae ang mesa nila Anika at kinausap ang mga ito. "Excuse me. Costumer din kami. Bakit kami dapat umalis?" Angal ng isa sa mga kasama nila Anika sa mesa.

"Dahil yun ang gusto ko. Hindi naman malulugi ang restaurant ko kung hindi kayo makakain dito. At mas lalong hindi ako maghihirap kung hindi ko mahahawakan ang pera niyo. So, please leave. Lumabas kayo ng restaurant ko bago ako tumawag ng police at ereklamo kayo." Laglag ang balikat ng mga itong napatayo. Wala silang nagawa kundi ang lumabas ng restaurant.

Hindi alam ni Jenny kung matatawa ba siya o maawa sa mga ito. Para kasing mga basang sisiw ang mga itong napatayo sa mesa nila at hindi makatingin sa mga taong nasa loob ng restaurant.

"Thanks God. Lumabas rin sila," anang may ari ng reataurant na muling bumalik sa mesa nila Jenny. "Sana binuhusan mo ng mainit na tubig yung matandang gurang. Akala mo ang ganda, halata namang kulubot na ang mukha. Balutin mo man ng ginto ang katawan niya e lumalabas parin ang pangit ng budhi niya." Dagdag pa nitong kinangiti na lang ni Jenny.

"Anyway, handa na yung i-seserve na pagkain niyo. So, please enjoy your dinner date. Don't mind those crazy bitches na napadaan." Anito sabay nagwink kay Jenny bago umalis.

"Are you okay?" Tanong ni Edward sa nobya. Tumango naman itong tipid na ngumiti sa nobyo.

TBC.

----Nakaupdate rin sa wakas😂😂😂Pasensya na po, marami kasi tayong work. Thank you for reading and Godbless.

Waiting For A Girl Like You(Completed)Where stories live. Discover now