Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Forth Paano niyo na ayos ni Pia yung sa inyo?
Joaquin Good morning din naman pre. Wow dudeparechong bakit ka nagtatanong? Haha
Forth Hyper ah. Saya ka?
Joaquin Oo naman. Ganyan talaga pag loyal ka sa babae. 🤷♂
Forth Ulol
Joaquin Kapag mahal mo, mahalin mo.Ipaglaban mo, pero dapat alam mo rin kung kelan mo hahayaang siya naman ang ipaglaban ka. Dahil ang pagmamahalan two way street. Hindi pwedeng bigay ka lang ng bigay. Dapat parehas. Hindi magkasukat, pero dapat may katumbas. Sa sitwasyon niyong dalawa pareho kayong nag bigay. Minahal niyo ang isa't isa pero yung love na yun hindi sapat para makuntento ka sa kanya. May pagkukulang si Chuchi pero mali na hanapin mo yung pagkukulang niya sa ibang tao. Masyado mo inabuso si chuchi na umabot sa point na naubos siya at nawala niya ang sarili niya pero pagkatapos niyang mawala ang sarili niya mas dinurog mo siya sa pamamagitan ng paghanap ng iba. Dapat nung panahong pasuko na siya dapat ikaw naman yung lumaban para sa inyong dalawa.
Forth Masyado lang akong napagod. Wag mong sabihin na ikaw di napagod kay Pia.
Joaquin Napagod ako pero nung panahong napagod ako si Pia yung lumaban para sa aming dalawa kaya nandito kami ngayon kung asan man kami. Masaya at walang iniindang problema at malaki ang pasasalamat ko kasi nung panahong sumusuko ang isa yung isa ang lumalaban pumalya man sa kalagitnaan pero babalik at babalik.
Forth Anong gagawin ko pre?
Joaquin Let Chuchi go. Hayaan mo na siyang maging masaya kasi deserve niya yun di ko sinasabi na di mo deserve sumaya pero pre tama na yung sakit na binigay mo sa kanya. Kung talagang mahal mo siya palayain mo na. Kung kayo kayo talaga yan.
Forth Thank you pre.
Joaquin Magtino kana kasi. Haha
Forth Wow porket masaya sa lovelife
Joaquin Ganyan talaga mga loyal pre tignan mo si Kai masaya kay Jewel, si Ian masaya kay Via, ako Masaya kay Pia tapos ikaw mag isa.
Forth Tangina mo. Iwan ka sana ni Pia.
Joaquin Labo pre patay na patay sakin yun 🤷♂ Delivered
19:36
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Joaquin Anjan na ba si Pia?
Dave Tanongan ba ako ng nawawalang aso?
Joaquin Ang harsh mo sa bebe ko ah. Ayaw mo na ba sa kanya kasi uuwi ko na lang.
Dave Gago
Joaquin Haha ano na bayaw andyan na ba siya?
Dave Bayaw mo mukha mo
Joaquin Bakit hindi ba? Tatay ko na nga si Tatay Dani eh haha
Dave Ingay mo. Oo andito na.
Joaquin Thanks bayaw! Pasabi na tatawag ako.
Dave Ginawa mo pa akong utosan.
Joaquin Mahal mo naman ako eh.
Dave Asa ka pa.
Dave Thank you Jaymalin.
Dave Thank you for making Pia Happy, Thank you for protecting her at all cost, Thank you for supporting her in her dreams, embracing her flaws and for not leaving her.
Joaquin Awww. Touched naman ako haha jk Thank you Dave sa tiwala. Mali man kasi nilabag ko ang batas mo pero yun ang mali na willing akong ulit ulitin. Hindi man maganda ang naging simula namin at kalagitnaan pero willing akong gawin lahat mapanatili lang ang kung anong meron kami. I won't promise that I won't hurt her but If ever na masaktan ko siya wiling akong itama at bagohin kung ano man ang pagkakamali ko. Hindi man perpekto ang relasyon na meron kami at maraming pagsubok na darating hinding hindi ko siya susukuan, mapapagod pero hindi susuko.
Dave Corny mo.
Joaquin My balls kasi akong panindigan kapatid mo. Ikaw ba napanindigan mo na si Beshy?
Dave Aba gago ka ah.
Joaquin Haha ingatan mo yan bago mawala.
Dave 🖕 Read
You reacted 😂 to Dave's message
Twitter 21:13
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
The End of Lowkey ✨
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ March 03,2019 - May 02,2019 🌻 Thank you so much for supporting Lowkey! Super nakaka overwhelmed ang mga comments and votes niyo! Thank you so much sa mga nakaka appreciate ng story na to. Sa mga unang tao na naniwala, sa Marupok Neyshen THANK YOU FOR BELIEVING IN ME I LOVE YOU _fangarl , fangirlxb and IphoneXNgThirbea ✊ And to Joaquin and Pia THANK YOU SO MUCH FOR EVERYTHING! 💙 Please tweet me your thoughts @girlfannotfound! 🌼