Chapter 8
My mouth left half-opened. Evan moved so fast just like his own lightning. Nanatili akong nakatitig sa kanya habang ito naman ay nakabalik na sa kanyang kaninang posisyon.
He's now busily reading the test paper. Marahan akong tumungo para tingnan ang papel na ibinigay niya.
I just saw some answers for our quiz.
"Yes, Shalani?" nang tawagin ng propesor ang pangalan ko, dito na ako tuluyang natauhan.
"Y-Yes professor?"
"You just called my name, any problem with your test paper?" mabilis akong umiling sa kanya.
"No, nothing professor." Halos mautal pa ako sa mabilis kong pagsagot.
Tinawag ko ba ang propesor namin? Bakit?
Hindi na muling nagsalita ang propesor, sinimulan ko nang magsagot. Tipid kong hinaplos ang maliit na papel na ibinigay sa akin ni Evan.
I can't help but to smile. I love his penmanship, maganda hindi halatang suplado at masama ang ugali ng nagsulat.
Marahan akong yumuko sa aking lamesa at tipid akong lumingon sa kanya.
"Thanks, hon."
Saglit lamang tumigil sa pagsusulat ang kanyang panulat nang marinig niya ang sinabi ko, pero agad rin siyang nagpatuloy at hindi niya ako pinansin.
Ngumuso ako at ibinalik ang atensyon sa papel.
Suplado. Takot naman palang madiskubre ang kalokohan.
Nagkibit-balikat na lamang ako at sinimulan kong gayahin ang ibinigay niyang papel. Pero habang nagsusulat ako, hindi ko maiwasang hindi mapangisi.
Damn, I love it. The word "hon" sounds sexy from him. Even hot!
Hindi ko akalaing ang pang-aasar na pagtawag ko sa kanya ang siyang magiging kahinaan ko.
Who would expect that he'll use that endearment? Ang suplado niya kaya.
Gosh, gusto kong paulit-ulitin ang pagtawag niya sa akin ng "hon" kung hindi lang siya suplado, hmp!
Natapos ako sa pagsasagot, hindi ko man nasagutan ang lahat ng katanungan malakas ang kumpiyansa kong hindi ako babagsak. Sino lang naman ba ang nagpagaya sa akin? Si hon lang naman, ang pinakamatalinong estudyante ng unibersidad na ito.
After the quiz, we had our short discussion. Katulad ng laging nangyayari, hindi ako nakikinig at lipad ang utak ko kung saan.
Gusto kong kulitin si Evan, asarin at painitin ang ulo pero masyado itong seryoso sa walang tigil na pagtatanong sa propesor na wala na yatang maisagot dahil sa kakatanong niya.
Wala sa sarili akong nangalumbaba, tumitig ako sa kanya habang nagsasalita ito.
Seriously, there is something about this vampire. Yes, he's rude. Laging mainit ang ulo, pero hindi ko maiwasang hindi kiligin kapag naiipit na siya sa isang sitwasyon.
He had this tendency to do unexpected things, he just kissed me a while ago! Halos hindi ko makalimutan ang ginawa niyang paghalik sa akin, samantalang ito siya at mukhang nawala na sa kanyang isip.
Though, he's not my first kiss pero iba pa rin ang pakiramdam ng kanyang halik. It was not just his blood, but his damn lips made me this crazy.
I should start flirting him, kumpara sa mga lalaking taong inakit ko na madaling bumigay, masasabi ko na si Evan ang pinakamatibay.

BINABASA MO ANG
Trail of a Single Tear (Gazellian Series #3)
VampireFree-spirited Nahara Shalani Carjaval is. She couldn't be more pleased to be the center of attention and to be recognized as the most daring campus queen. With her as a typical party-loving college student, her kind older sister, and her devoted par...