Mukhang nakuha ko ang atensiyon mo sa mga oras na ito, isang tiyan na uhaw sa pagkain o kung anumang kinakamot mo sa bawat sandaling ito.
Hindi na ako magpapaligoy pa, gusto mong malaman kung paano umutang sa mga kakilala mo. Sa malapit sa'yo, sa karinderyang halos pa-bankrupt na dahil sa kakautang ng kapitbahay nila, sa mga kamag-anak mong pinaglihi sag into dahil sa kayamanang kanilang natatamasa.
Sige na, heto na. Heto ko na patatagalin pa ang pagdurusang nararamdaman mo.
Unang-una. Kunin mo ang loob ng taong hinihiraman mo. Maging anghel ka sa kanyang paningin kahit matagal ka nang ipininganak na demonyo. Putulin mo muna ang iyong mga sungay.
Pangalawa. Magmakaawa ka sa kanya, kung maaari ay panuorin mo muna ang ginawa ni Marimar sa internet. 'Yon bang pagkuha niya ng kwintas sa putikan habang nagpapatugtog ng isang pa-suspense na sound effects tapos sasabayan ng katagang 'abangan'. Gawin mo 'yon at magtatagumpay ka.
Pangatlo. Magbigay ka ng petsa o deadline ng perang iyong hiniraman. Parang isang proyekto o assignment din 'yan, magbigay ka nang katapusan.
Pang-apat. Mangako ka. Mangako ka sa kanyang harapan hindi 'yong sa iba ka nakatingin habang sinasabi mo mo ang panunumpa mo. Huwag mo munang laruin ang Mobile Legends dahil mabagal ang signal at paubos na rin ang load mo, sige ka at bababa ang rank mo niyan.
Panglima. Panghuli. Bago ka umutang e alamin mo muna kong makakapagbayad ka ba talaga. Baka bulong na naman 'yan ng demonyo sa tainga mo.
Puwede ba, hindi ito Harry Potter para mawalan ka ng memorya sa pagkakautang mo. Huwag mo akong ma-obliviate diyan! Hindi ikaw si Hermione! Huwag kang feelingero't feelingera.
Kung ito'y binabasa mo sa mga oras din ito ay pagpasensya mo na dahil ginawa ko 'tong nakakatawa. Pero pangako, hindi nakakatuwa ang hindi magbayad ng utang.
Para ka na ring nagnakaw 'yon. Kumuha ka ng pera sa isang tao tapos kakalimutan ay este kinakalimutan mo.
Kaya't habang may panahon pa at hindi pa nagsisimula ang Game Of Thrones ay bayaran mo na ang dapat mong bayaran. Kundi baka maturing ka pang mas masahol sa mga White Walkers.

YOU ARE READING
PAANO?
Non-FictionPAANO? Mga tanong na nangangailangan ng sagot. Mga kasagutang puno ng mga katanungan. Ano ang nais mong malaman? Paano mo nga ba bibigyan ng kasagutan ang mga ganitong bagay. Kung sa simula't sapul palang e marami nang nagbabadyang hadlang. Paano...