Chapter Forty Three
Nick's POV
Pinuntahan ko sa hospital ang kapatid ko. Kahapon naman nanggaling ako sa hospital kung saan nakaadmit ang ama ni Arkisha. Pauwi na ako noon nang makita ko si Anika sa lobby.
I know her. I know everything about Castrences'.
Alam ni Daddy na hindi ko masisira ang relasyon nina Arkisha at Adam lalo na ngayong nagkabalikan na sila. Three years ago, ang intensyon lang ng Daddy ko ay maging top one sa business. Mapagbagsak ang mga Castrences at Aragon but after a year, the game has changed.
Hindi matanggap ng pamilya ko ang nangyari two years ago. Maging sa akin man, napakasakit ng nangyari. Ang gusto ni Daddy ngayon, buhay naman ni Anika ang guluhin ko. Naawa ako sa Daddy ko pero minsan nakakapagod na din umintindi. Kahit naman anong paliwanag ko para matanggap nila ang nangyari, sa huli ako pa din ang masama.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto. Ayokong makalikha ng ingay kung sakaling natutulog siya. Balita ko hindi na naman daw siya kumakain.
Malaki ang ibinagsak ng katawan ng kapatid ko. Sa edad niyang thirty-nine, nagmukha siyang nasa mid-forties.
"Nicko," tawag niya.
Lumapit naman ako.
"Kamusta na siya?"
Iling lang ang isinagot niya.
Napapikit ako. Tumabi ako sa couch kung saan siya nakaupo.
"Gaano katagal pa ba akong maghihintay para maging okay siya?"
Sinundan ko ng tingin ang direksyong tinitingnan niya.
"He will be okay. You will be okay, Ate."
"Kung gusto mo akong maging okay, then I want revenge. Sirain mo silang lahat. Make them miserable, Nick. Please."
Sunod-sunod ang pagtulo ng mga luha niya kaya naman niyakap ko siya.
"I just want you and Claude to be okay," bulong ko sa kanya.
"Magiging okay lang ako kapag nakita ko na silang nagsuffer," sagot niya sa gitna ng mga hikbi.
"I can't," bulong ko. "Marami pang ibang paraan, Ate."
Kumawala siya sa yakap ko at itinulak ako palayo.
"Then leave. Kapag hindi mo yon ginawa, huwag ka na bumalik dito para makita ang anak ko. GET OUT!"
Tumayo ako at lumabas ng kwarto.
Isa na lang ang naiisip kong paraan para matulungan si Claude. I want him to be okay.
I called Arkisha and asked her to meet me. Dumating naman kaagad siya sa coffee shop na binanggit ko. Kasama niya sina Venice at ang asawa niya.
Does he really think aagawin ko pa din sa kanya si Arkisha?
"Anong kailangan mo sa asawa ko, Chua?"
"Have a seat," sagot ko.
Hindi ko alam kung paano ako magsisimula. Nanlalamig ang mga kamay ko.
"You might not believe me pero masaya ako na okay ka na, Arkisha."
Totoo yun. Kasabay nilang dalawa, naghihintay din akong maging okay si Arkisha. After the accident, akala ko makakatulong ako nun sa pagmomove on niya kaya niyaya ko pa rin siyang lumabas but I was wrong kaya tumigil na din ako.
I need her to be okay dahil pakiramdam ko sila lang dalawang mag-asawa ang makakatulong sa pamangkin ko.
She looked at me.
"Mabuti na lang hindi masyadong halata ang pilat sa kilay mo, but you still look beautiful," dagdag ko.
Damn! I'm trying to calm myself.
"What do you want, Nick?" tanong ni Venice.
"I just want to say sorry for everything. I want to say sorry for your scar and everything you lost."
Hinawakan ni Arkisha ang pilat niya at nilingon si Adam. Hinawakan nito ang kamay niya.
"Gusto kong malaman mo na hindi si Adam ang may gawa niyan. Hindi si Adam ang may kasalanan kung bakit kayo naaksidente."
"WHAT?!"
Napatingin ang iba pang customers sa amin sa pagsigaw ni Venice. Mabuti na lang kokonti ang tao ngayon.
"Anong pinagsasasabi mo, Chua?! May kinalaman ka ba sa aksidenteng yon?!"
Hinila ni Adam ang kwelyo ng damit ko. Nagulat ako sa bigla niyang paghila sa akin. Inilipat ko ang tingin ko kay Arkisha.
"Adam, bitiwan mo siya," malumanay na utos ni Arkisha.
Tumulo ang luha sa kaliwa niyang pisngi. Sinunod naman ni Adam ang utos ni Arkisha.
"Galit na galit ang Ate ko nang gabing yon. Matigas din kasi ang ulo ni Claude. Pinagsabihan na siya ng Ate ko na huwag gagamitin ang sasakyan dahil wala pa siyang lisensya kahit pa twenty-one na siya, pero wala eh. Hindi niya pinakinggan ang Mommy niya. Lumabas pa din siya at ginamit ang kotse. May pupuntahan daw silang party kasama ang mga kaibigan niya."
"Pauwi na sila mula sa party nang mangyari ang aksidente kaya may inom na. Madaming dugo ang nawala kay Claude nang isugod siya sa hospital. Ang sabi ng mga taong nakakita sa aksidente, nag-overtake daw si Claude at nang may mag-U turn na sasakyan ay nabangga niya ito. Malakas ang impact kaya malayo din ang inabot ng kotse ni Claude sa crime scene."
Napasandal sa kinauupuan niya si Adam habang patuloy na ang pagluha ni Arkisha.
"Oh God!" si Venice.
"Nakasakay sa passenger seat ang kaibigan niyang si Franco. Nang magkamalay ito ay pilit niyang ginigising si Claude pero walang nangyayari kaya naman inilipat niya si Claude sa upuan niya at siya ang nagmaneho ng kotse para isugod sa hospital ang pamangkin ko. Alam kasi nya na si Claude ang mali sa aksidenteng yon at isa pa tuliro na din ang isip niya."
Niyakap ni Adam si Arkisha.
"Sa dami ng pera namin, wala kaming lakas ng loob magsampa ng kaso dahil alam namin na wala kaming laban sa korte. When I found out na kayong dalawa ang nabangga ni Claude, mas lalo akong nalungkot. You know how much I like you, Arkisha. Worst, you had a miscarriage."
"Naging bulag ang Ate ko. Wala daw akong karapatang icompare ang nawala sayo sa maaaring mawala sa kanya. Hindi ko naman siya masisisi. She is a mother. Gaano katagal ka nga bang comatose? Two weeks? My nephew is still in coma as we speak."
"Shit," si Venice ulit.
Nasabunot ni Adam ang buhok niya.
"I'm sorry," bulong ni Adam.
Sinong mag-aakalang mapapaiyak ko ang isang Adam Jacob Castrences?
"No. I'm sorry. Dahil kung nakinig si Claude sa Mommy niya, walang aksidenteng mangyayari. He was not supposed to be there. Hindi kayo maghihiwalay na dalawa. Hindi mawawala ang baby ninyo. Kaya ako na ang humihingi ng sorry sa nagawa ng pamangkin ko. I know that's not enough pero kung may magagawa ako para mapatawad ninyo siya, gagawin ko."
"Nasaan siya? Can I see him?" tanong ni Arkisha.
"Kung ano man ang nagawang kasalanan ng pamangkin ko, handa ako sa magiging consequences nito."
"I want to see him. I want him to be okay."
I smiled.
"Thank you, Arkisha. Dalawang taon akong naghintay para makita mo siya. Hindi ko agad masabi sa inyo ang tungkol sa kanya dahil hindi pa kayo okay. Ayokong dumagdag pa sa pinagdaanan mo. And of course you can see him. I'm begging you Arkisha, save him."

YOU ARE READING
EX with Benefits (Secrets & Lies) (EWB #2)
General FictionSequel to the story of Adam Jacob Castrences and Arkisha Aragon, Ex with Benefits.