~*~
“Una na ako, girl ha?” sabi ni Jade at bumeso sa akin.
Tumango naman ako. Lumabas naman siya ng kwarto at ako naman ay nagayos pa ng buhok sa salamin. Lunes na Lunes bored akong pumasok pero ugh, kainis kailangan kasi dahil next week na ang exams. Nang natapos na akong nagayos ay kinuha ko na ang bag at ang mga libro ko at lumabas na ng dorm.
Nakasalubong ko naman ang iba pang mga babaeng estudyante ng Montereal Academy. Lahat sila ay nakatingin sa akin at biglang bubulong. Ano nanaman ba ang pinaguusapan nila? Halos isang linggo na ang nakakaraan nung skandalo namin ni Amethyst.
“Grabe, nakakatakot talaga siya noh?”
“Oo nga, tindig pa lang niya! Tapos ang ganda pa.”
“Rinig mo? Offical na daw na siya na ang Gangster Princess ng Academy.”
Napatingin naman ako sa grupo ng mga babaeng nagbubulungan na rinig na rinig ko naman. Nagulat naman sila sa paglingon ko kaya agad agad naman silang nagsitakbuhan.
“Gangster Princess?” bulong ko sa sarili ko.
Ako raw ang official Gangster Princess ng Academy? Wow, kung si Amethyst ang Heartthrob Princess ako naman ay Gangster Princess? It’s cool though gusto ko maging Gangtser Queen. Being a gangster princess would be cooler that a Heartthrob Princess. Nirerespeto, kinakatakutan at tinitingala ng mga tao. Booya, I think I’m going to have fun being the Gangster Princess. It’s my honor to be called one.
Ngiti ngiti naman akong naglalakad papuntang classroom. Lahat kasi ng nakakasalubong ko eh biglang nagb-bow sa akin. Well yeah, bow down to your Princess. Haha. Pero nawala ang ngiti ko ng may biglang may bumangga sa akin sa likuran.
“What the hell,” reklamo ko.
Napatingin naman ako sa dalawang malalanding tao at nilagpasan ako at nagtatawanan. Ang laki laki ng daanan at kailangan pa akong banggain. Tsk. Ang sabihin nila papansin ang mga ito! Peste. Tumigil naman sila sa paglalakad at humarap sa akin. Nakita ko naman ang panunuya sa mukha niya habang hinahawakan ang baywang ng kasama niyang linta. At akala niyang magseselos ako sa pinaggagawa niya? Akala niya na through this ay maiinlove ako sa kanya at hahabulin siya?
Well guess what. I’m not. Gusto niya ng laro then I will give him!
“Sorry, hindi ka kasi namin nakita.” Sabi ng babae sa akin at mas niyakap pa ang braso ni Tyler ng mas mahigpit.
Sige lang, maglandian lang kayo sa harap ko. Hinding hindi ako magpapaapekto. Oo, medyo nagselos ako pero damn hinding hindi ako luluhod sa harap niya para pigilan siya sa paglalandi niya! Kung gusto niya ng mga lintang prosti edi go hindi ko naman siya pipigilan. I too have my own ways.
Nahagip naman ng paningin ko si Nathan na naglalakad sa greenfields. Bigla naman ako nagkaroon ng bright idea. Gusto niya ng laro, then fine maglalaro ako. Tumingin naman ako sa kanila at ngumiti. A sweet but fake one.
“It’s okay.” Sabi ko at bigla silang inirapan.
Tumakbo naman ako papunta kay Nathan at agad siyang inakbayan. Kahit mas matangkad si Nathan sa akin ay pinilit ko talaga siyang akbayan. Kala ng Tyler na yun ha, kaya ko rin makipaglaro noh. Napatingin naman si Nathan sa akin at napangiti.
“Xyra, Good Morning.” Sabi niya.
Kumalas naman ako sa pagkakaakbay at sinabayan siyang naglalakad.
“Sabay na tayong pumunta ng classroom.” Sabi ko.
Tumango naman siya. Kinuha niya naman ang books ko, siya na raw magdadala. Nuks, gentleman talaga tong kaibigan ko! Nilingon ko naman sina Tyler na ngayon ay naglalakad na rin papuntang classroom. Boom, nakita ko siyang masama ang tingin sa aming dalawa ni Nathan habang yung lintang kasama niya ay talak ng talak. Ngumisi naman ako na may halong asar at bigla siyang inirapan. Well, one point for me.
“Xy, next week pala pagkatapos ng exams ay may basketball game kami.” Sabi ni Nathan.
“Varsity ka pala?” tanong ko.
Eh sa hindi ko alam na basketball Varsity ang isang to. Hindi ko naman kasi nababalitaan na nagpapractice siya eh so malay ko bang varsity to.
“No silly, Black Horizon Vs. Black Stones.” Sabi niya.
Tumango tango naman ako. May ganun pala? Marunong kaya si Tyler maglaro ng basketball? Eh puro suntukan lang yun nalalaman ko sa kanya. Naku naiimagine ko na kulelat siya sa basketball tapos sub lang siya. Tapos si Nathan yung MVP. Hahaha.
“Xyra? Ngiti ngiti mo dyan?” tanong ni Nathan.
“Excited na kasi akong matalo kayo, hahaha.” Sabi ko.
Humagikhik naman ako sa kakatawa at si Nathan naman ay biglang nagpout. Nagulat naman ako ng bigla niya akong akbayan habang dala dala ang books ko sa kabila niyang kamay.
“You’re so mean to us.” Sabi niya.
Nagtawanan pa kaming dalawa hanggang sa nakapasok kami ng classroom. Bigla namang tumahimik ang mga maiingay kong kaklase at napatingin sa amin. Pinagkibit balikat ko na lang ito at umupo na sa upuan ko. Nadatnan ko naman ang pesteng lalakeng nakatingin sa akin na kunot ang noo. Tinaasan ko naman siya ng kilay at inirapan. Game on, Montereal.
“Here’s your books, Xyra.” Sabi ni Nathan at nilapag na ang books sa table ko.
Ngumiti naman ako kay Nathan.
“Thanks, pre.” Sabi ko at kumindat.
Tumawa naman siya at ginulo ang buhok ko.
“Ikaw talaga.” Sabi niya at umupo na ss kabilang upuan which is seatmate ko pa rin.
Napatingin naman ako kay Tyler na ngayon ay nakatingin sa harapan pero kitang kita ko ang kanyang kilay na nagsasalubong. Damn, is he jealous already? Kakasimula ko pa lang ah? Atyaka, laro niya ito diba? Pero bakit siya pa ang talunan kung tignan? Pero grabe, ang gwapo niyang magalit. So damn handsome and hot of course.
Napahikab ako habang nagsasalita ang ang History Teacher namin. Shet, bakit ba first subject namin to every Mondays? Tapos kakainis matandang hukluban pa ang nagtuturo kaya mas nakakaantok.
“Hoy.”
Napalingon naman ako sa katabi kong tumawag sa akin. Himala at pinapansin niya ako sa klase. Tara kanta tayo ng For the First Time in Forever. Palakpakan at may development.
Uhm, being sarcastice here.
“Ano?”
“Wala lang.” sabi niya at biglang ngumisi at tumingin ulit sa harapan.
What the Eff? Tinawag niya ako para lang doon? Sadyang papansin lang ba talaga tong lalakeng to?
“Nagseselos ka ba kay Paula?”
Napalingon ulit ako sa kanya pero nakatingin pa rin siya sa harap. Sinamaan ko naman siya ng tingin at biglang binatukan. Nanlaki naman ang mata niya.
“Fuck, Adrienne what was that for?” Bigla niyang sigaw.
Napahinto naman sa pagtuturo si Mrs. Torres. Nagsilingunan naman ang mga kaklase namin. Great, lahat nanaman ng attensyon ay nasa amin pero peste kailangan kong idepensa na hindi ako nagseselos.
“KAPAL NG MUKHA MO HA!” sigaw ko.
Padabog namang tumayo si Tyler sa kanyang upuan habang kunot ang kanyang noo. Tumayo na rin ako at hinampas ang kamay sa upuan. Akala niya matatakot niya ako sa angas na pinapakita niya sa akin? Well, guess what! I'm not.