AKO'Y ISANG PUTA
"SA NGALAN ng ama, ng anak, at ng espirito santo."
Tulog pa ang umaga ngunit kami'y gising na. Ang bawat segundo't minutong lumilipas ay napakahalaga.
Hindi mapakali; kailangan nang magmadali.
Dahil sa huli, kami rin ang talo kung kami'y magmamabagal; kung hahayaan namin ang halimaw na makarating at kami ay sundan.
Patnubayan nawa kami ng Panginoon.
"Amen."
***
Good morning passengers. The time is 4:30 A.M. This is the pre-boarding announcement for flight 27A to Cebu. We are now inviting those passengers with small children, and any passengers requiring special assistance, to begin boarding at this time. Please have your boarding pass and identification ready. Regular boarding will begin in approximately ten minutes. Thank you.
"Mommy, na sa'n si Papa?"
Nagitla ako sa biglaang pagsasalita ng aking anak. Wala sa wisyo akong nagpalinga-linga sa buong paligid.
Hindi mapakali, hindi ko malaman kung ano pa ang dapat kong gawin. Masahol pa sa isang tambol ang pagkabog ng aking dibdib sa kabang ngayon ko lamang naramdaman.
"P-parating na 'yon, b-baby. Paparating n-na iyon," pautal-utal kong naging tugon. Sandali kong hinimas ang ulohan nito at saka itinuon ang paningin sa bukana ng airport.
"Nasaan ka na ba?" sambit ko sa 'king isipan.
Malamig ang temperatura sa loob nito ngunit butil-butil na pawis ang unti-unting lumalabas sa aking noo.
4:31
4:33
4:36
Sa wakas!
Nandito na si Roger----- asawa ko.
Dali-dali itong lumapit sa amin ng aking anak, hatak-hatak ang isang may kalakihang asul na maleta. Gaya ko'y mapapansin sa ilalim ng mga mata nito ang itim na mga marka; resulta ng kawalan ng tulog. Napawi ng mahigit sa limampung porsyento ang aking kaba nang makita't muli ko siyang mahagkan.
Akala ko'y 'di na siya makaaabot pa.
"Ba't ngayon ka lang, ha? Kanina pa 'ko alalang-alala sa 'yo, Roger! Hindi mo man lang nakuhang tumawag. Hindi mo man naisip na may naghi----."
"Alam ko, Leah. Alam ko. Mula sa pinanggalingan ko hanggang sa makarating ako rito, kayo, kayo lang ng anak natin ang naiisip ko. Kung kaya ko lang lumipad papunta rito ay siguradong nagawa ko na," pagputol nito sa sinabi ko. Kapansin-pansin ang malamlam na mukha nito na animo'y isang malungkot at maamong pusa.
"At saka, bigla na lang dumating sa bahay si Camia, Leah. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko."
***
Mahimbing na mahimbing ang kaniyang pagtulog. Hindi ko mapigilan ang sarili kong yakapin siya nang mahigpit, na tila hindi ko na siya pakakawalan pa kahit kailan.
'Di ko rin masisisi ang sarili ko dahil ngayon lang ako minahal nang totoo; minahal nang walang halong biro. Ngayon ko lang naramdaman ang isang proteksyon na ibinibigay niya sa akin ng buong-buo.
Mali.
Alam kong sa umpisa pa lamang ay may kahati na ako. "Siya" na mas lamang pa sa kung sino ako. "Siya" na ligal na asawa, at ako, na isang kabit lamang.
Kahit na pinigilan ko siyang mahalin ako dahil may asawa siya't marumi akong tao'y wala akong nagawa. Siguro'y ginusto ko na rin ang sayang nadama ko sa piling niya. Siguro'y 'di nga ako kontento sa buhay na mayroon ako noon.
"Isang bayaran, may katapat na halaga."
Wala pang ilang minuto ang pagpikit ko nang biglang tumunog ang kaniyang telepono. Tinatamad man ay pilit ko itong inabot mula sa kaniyang tabi.
"Camia, calling..."
"Roger, Roger. 'Yong asawa mo, tumatawag," walang pagdadalawang-isip kong sambit. Inalis ko ang pagkakayapos ko sa kaniya at saka bumaling ng pagkakahiga.
Muling pumikit, nag-isip-isip.
Wala naman akong karapatan na pagbawalan siya dahil siya ang hari ng sarili niya. Alam na na niya kung ang kaniyang ginagawa. Isang hamak lamang ako na nakikihiram ng pagmamahal.
Nanlilimos.
Sa 'di ko malamang dahilan ay nag-uunahang tumulo ang mumunting mga luha sa aking mga mata. Kahit anong pilit kong pagpigil sa mga ito ay walang pakinabang; walang saysay.
Sa huli'y palihim at taimtim lang akong nakinig sa kanilang pag-uusap.
"N-nasa l-labas k-ka?" ang huling nabanggit ni Roger ng isang katakatakot na babae ang nagbukas ng pinto---- isang pintong may KANDADO.
Marungis na mukha, makapal na kulot na buhok. Mahahabang kuko sa kamay na may matalim at matulis na dulo.
Isang halimaw.
Halos lumuwa ang aming mga mata nang malamang hindi normal ang kaniyang asawa.
Isang mangkukulam.
***
"Ladies and gentlemen, welcome onboard Flight 27A with service from Manila to Cebu. We are currently third in line for take-off and are expected to be in the air in approximately seven minutes time. We ask that you please fasten your seatbelts at this time and secure all the baggages underneath your seat or in the overhead compartments. We also ask that your seats and table trays are in the upright position for take-off. Please turn off all personal electronic devices, including laptops and cell phones. Smoking is prohibited for the duration of the flight. Thank you for choosing Cebu Pacific Airline. Enjoy your flight."
Malalim na paghinga ang aking pinakawalan matapos mag-umpisang umandar ang eroplano. Kasabay nito ay ang pagluwag ng aking pakiramdam.
Salamat sa Diyos.
"Leah, magiging ligtas na tayo. Wala nang hahadlang sa atin. Wala nang makakapanakit sa inyo ng anak natin," lumunok ito sumandali. "Ipinapangako kong magiging maayos ang buhay natin sa Cebu. Magiging normal na ang lahat," dugtong pa nito.
Tango lamang ang naging tugon ko. Sapat na upang malaman niyang nasa sa kaniya ang buong puso kong pagtitiwala.
Nang walang ano-ano'y...
"Sinong may sabi na magiging masaya kayo?"
Si Camia!
Isa siya sa mga taong nasa loob!
"Magsama kayo sa impyerno! Kayo ng lintek niyong anak na hindi ko kayang maibigay sa 'yo, Roger! Dahil wala akong kakayahan na maging isang ina." Kumurap-kurap ito at saka isa-isang binawian ng buhay ang mga pasahero; mga inosenteng pasahero. Mabilis pa sa alas-kwatro ang naging pagkilos nito.
Sapagkakataong iyon, takot ang namayani sa akin, sa aming pamilya, sa lahat.
Paano'y walang makapigil dito. Walang nangahas na lumapit sa taong kinain ang kaluluwa ng demonyo.
"Huwag mong idadamay ang anak namin dito. Parang awa mo na, Camia," ang tanging lumabas sa aking bibig. Subalit, 'di ito nakinig.
Hinigop niya ang lakas ng aking asawa, sanhi sa tuluyang pagkalagot ng kaniyang hininga.
Gano'n din sa aking anak.
"Kampon ka ng kadiliman!"
Ang mga salitang 'yon ang huli kong naimutawi. Paano'y nagkabali-bali na ang bawat parte ng aking katawan.
Parang sa isang istorya.
Ito na yata 'yong hinihintay nilang, "Twist".
