Chapter 1

1.9K 20 0
                                    

TMCSE Chapter 1

Alas

"Attention passengers, this is your captain speaking. Please fasten your seatbelts, we are about to land at Clark International Airport. Thank you."

Kasabay ng announcement ng piloto ay siyang pag-ilaw rin ng sign na 'FASTEN YOUR SEATBELTS' na nasa taas ng upuan namin. Dumungaw ako sa bintana matapos isuot ang seatbelt at nakita ko ang view ng Clark. Bird's eyeview lang ito pero alam namang maganda sa Clark kaya naexcite ako lalo.

"Welcome home, Alas." sabi ko sa sarili ko.

Summer nanaman and I just came home from the US. Dun ako nag-aral for 2 years at ngayon lang ako uli makakauwi ng Pilipinas. And I'm going back for good. Hindi na ako babalik sa LA.

Lumabas na ako sa eroplano at pinacheck na ang lahat ng kailangan bago ko kinuha ang mga gamit ko. Tapos ay naglakad na ako palabas ng airport para tignan kung sino ang susundo sa akin.

"ALAS!" narinig ko ang sigaw ng dalawang taong pamilyar ang boses. Paglingon ko ay nakita ko ang mga pinsan kong malalapad ang ngiti at kumakaway sa akin. Kumaway na rin ako at saka na nagtungo sa kanila.

"Damnshit, man! Namiss ka namin!" salubong sa akin ni Parker. Niyakap niya ako at ginulo ang buhok.

"Namiss ko rin kayo." sabi ko. "Musta?" tanong ko sa kanila.

"Ikaw ang kamusta? You've been in LA for 2 years at minsan ka lang namin makausap sa facetime." sabi naman sa akin ni Stacy.

"Haha. Sorry Stace, busy sa school eh." sabi ko.

"Psh. Daming dahilan. Tara na nga. Naghihintay na sila sa bahay." sabi niya.

Sumakay na kami sa van at saka na nagmaneho ang driver ni lola papuntang Apalit.

"Bakit kayong dalawa lang sumundo sa akin?" pagtataka ko.

"They're all busy back there. Alam mo na. It's lola's birthday at ngayon ka pa nagbalikbayan kaya naman double celebration." sagot ni Stace.

Tumango ako at nagbalik ng tingin sa labas ng bintana.

"Ano dude, for good ka na ba dito?" tanong sa akin ni Parker.

"Well, yeah. Tutal mom and dad are here for good na rin, and Ate Mads will be coming home next week and sabi niya for good na rin siya coz she'll be opening up a boutique dito so yeah. I guess for good na din ako. Wala na din naman akong kasama sa LA eh." sabi ko.

"Nice one! Finally makakasama ka na namin sa lahat ng events." sabi ni Stacy.

"Oo naman. You know how clingy our family is." sabi ko. Nagtawanan kaming tatlo.

"Sobra. Anyway, brace yourself. Alam mo naman si lola. Iiyak nanaman yan pagkakita sayo." sabi ni Parker.

"Iiyak? Bakit naman?" pagtataka ko. Umirap si Stace tsaka napangiti ng nakakaasar.

"Malamang! The favorite grandson finally arrives. Ikaw kaya lagi niyang tinatanong everytime we come home to Apalit. Laging 'Kailan uuwi si Vincent?' or 'Asan si Vincent? Kamusta na ang apo ko?'" kwento ni Stacy.

"As in dude. Kaya for sure pagdating mo sa bahay, mag-expect ka na ng marching band with banners and party poppers. Hahahaha." dagdag pa ni Parker.

"Ang OA naman kung may banda pa. And besides, di naman siguro iiyak si lola."

"Let's see. Haha." sabi nilang dalawa.

Matapos ang mahigit isang oras na biyahe ay dumating na rin kami sa ancestral house namin sa Apalit. Malaki ang bahay dito. Half Spanish kasi sina Lolo Alejandro at naging Mayor siya ng Apalit noong kabataan niya pa at kalaunan ay naging Governor pero sa katandaan ay hindi na muling tumakbo. Mahal na mahal ng mga tao ang pamilya namin. Magaling kasi magpalakad si lolo sa probinsiya. At maging si lola ay mahal ang mga nandito.

The Most Cliche Story EverWhere stories live. Discover now