Chapter 29

302 7 1
                                        

True to his word, pumunta si Tyler kinabukasan pagkatapos ng klase. Pinagpahinga niya si Mama mula sa pag-alalaga sa akin at sinabing siya na ang bahala. Napangiti si Mama dahil nakita niyang kahit sa kanya ay may concern si Tyler. Iniwan na niya kami at nagpaalam na nasa sala lang siya. Hindi sinara ni Tyler ang pintuan ng kwarto ko.

Naupo siya sa gilid ng kama ko at hinawakan ang kamay ko. "Kamusta ang araw mo?" Tanong ko sa kanya. Ngumiti siya sa akin at sinabing maraming nagtatanong kung nasaan ako. Nang malaman nilang may sakit ako ay sinabi nilang magpagaling daw agad ako.

"Sabi ni Mama ay ayos na raw ang lahat para sa debut ko. Ikaw ba ang nag-ayos?" Diretsang tanong ko sa kanya. Napag-usapan kasi namin iyon ni Mama kanina at sinabi niyang huwag ko na raw problemahin iyon dahil maayos na lahat. Napakamot ng batok si Tyler at nag-iwas saglit ng tingin sa akin bago sumagot, "Oo. Tinulungan ako ni Elise at ng mga kapatid ko." Napakagat ako sa ibaba ng labi ko. Paano ko ba pasasalamatan ang lalaking ito? Hindi ako sanay na may tumutulong sa akin pero heto si Tyler at ilang beses na akong tinutulungan.

"Huwag mo na isipin iyon okay? Masaya akong tulungan ka. Sa ngayon, magpahinga ka at magpalakas. Nandito lang ako," nakangiting sabi niya. Nahiga na ako at bago ako pumikit ay hinalikan ni Tyler ang noo ko. Tumayo siya at papunta sa study table ko nang tawagin ko siya, "Hey baby." Lumingon siya at nakangiti sa akin. 'Yung ngiting nakakatunaw ng puso at lahat ng pangamba. Napansin kong naghihintay siya ng sasabihin ko.

"Thank you Tyler. I love you," mahinang sabi ko pero alam kong narinig niya ako dahil parang umaliwalas at nagliwanag ang mukha niya. "You're always welcome, princess. I love you too," masuyo at mahinang wika niya bago kumindat. Napangiti ako at pumikit na. Sana gumaling na agad ako.

*****

Nagising ako na gabi na. Anong oras na kaya? Tumingin ako kung nasaan ang wall clock at nakitang 11:30 na ng gabi. Umuwi na siguro si Tyler. Dahan-dahan akong tumayo at pumunta sa may pinto na nakasara na. Nagugutom ako. Pagbukas ko ng pinto ay tumambad sa akin si Tyler. Pareho kaming nagulat. Siya ang unang nakabawi sa pagkagulat at ngumiti sa akin at nagtanong, "Prinsesa ko, saan ka pupunta?"

"Uh, sa baba? Nagugutom na kasi ako," nag-aalangang sagot ko. Inalalayan niya ako papunta sa kusina. Pinaupo niya ako sa breakfast counter at sinabing magluluto lang siya. Hinayaan ko na lamang siya.

"Tyler, bakit hindi ka pa umuuwi? Gabi na at may pasok pa bukas," hindi ko napigilang itanong sa kanya. Tumingin siya sa akin mula sa paghihiwa ng gulay. "Pinayagan ako ng pamilya mong bantayan ka ngayong gabi. Pero katakot-takot na banta ang natanggap ko galing kay Kuya Tristan," napailing siya pero natatawa habang nagkukwento. Nagsalang siya ng tubig at naghiwa ng iba pang gulay.

"Bakit mo ginagawa ito, Tyler? I mean alam ko namang girlfriend mo ako pero parang sobra na ito. Alam mo 'yun? Alam ko marami kang ginagawa at-" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil tumigil sa paghihiwa si Tyler at nakatingin siya nang mabuti sa akin. Parang nasaktan siya sa sinabi ko. Lumapit siya at tumayo sa tapat ko, ang breakfast counter ang pagitan namin.

"Josiah Grace, ilang beses ko bang sasabihin na mahal na mahal kita?" Masuyong tanong niya sa akin. Nag-iwas ako ng tingin at bumulong, "Hindi ko naman kasi alam kung paano magka-boyfriend." Nang tingnan ko ulit si Tyler ay ngumiti siya sa akin bago hawakan ang magkabilang gilid ng ulo ko at lumapit sa akin. Muntikan pa akong umatras pero pinigilan ko ang sarili ko.

"Just let me show you how much I love you. Don't ever question it. Masakit kapag nagdududa ka pero hayaan mong ipakita ko kung gaano kita kamahal. You have no idea how much you changed my life, Josiah Grace," seryosong sabi niya bago halikan ang noo ko. Nahihiyang ngumiti ako sa kanya at nag-sorry. Nagpatuloy na siya sa pagluluto at nagkwentuhan lang kami.

Ang Kuwento ng Isang TabachoyWhere stories live. Discover now