Lumaking-daga

278 7 6
                                        

POKEMON, ito ang tawag sa lahat ng hayop na matatagpuan sa Mundo. Bawat isa sa kanila ay may kanya-kanyang taglay na abilidad para makipaglaban. Maliit man o malaki, maamo man o mabangis, lahat ng iyan ay maaaring hulihin at alagaan ng sinumang trainer na gugustuhin manghuli sa mga ito. Gumagamit naman ang bawat trainer ng isang bolang kung tawagi'y Pokeball para hulihin at ikulong ang mga ito. Dahil din dito kaya 'di sila nahihirapan sa pagdadala at pag-aalaga ng Pokemon. Bata man o matanda ay talagang kinahihiligan ang panghuhuli ng mga ito. Nand'yan din kasi ang pagkakataong maaari silang makipaglaban sa ibang trainer, sumali sa Pokemon Battles at maging sa Pokemon Contests ay gano'n din. Nakadagdag din sa pagkahilig ng marami sa mga Pokemon ay ang tinatawag na Evolution. Ito ay ang paglaki at paglakas ng mga ito na kung saan ay nagkakaroon sila ng mga malalakas na abilidad. Ang Pokemon na rin ang naging pangunahing libangan ng karamihan sa mundong ito.

Sa isang bansang tinatawag na Pilipinas ay may isang baguhang Pokemon Trainer ang nagpunta sa isang barangay upang manghuli ng Pokemon. Matagal na niya itong pinapangarap at talagang kanyang hinintay ang araw na ito. Napakasaya talaga niya pagkatapos siyang payagan ng kanyang magulang para maging isang trainer.

"Isang Pokemon!" sabi niya nang isang mabalahibong hayop ang tumigil sa kanyang harapan habang siya ay naglalakad. Matapos iyon ay agad niyang inilabas ang kanyang PokeDex. Ito ay ang gadget na nagbibigay impormasyon sa kahit anong uri ng Pokemon.

"Isang Pusa! Kadalasang matatagpuan itong naglalakad sa mga mababahay na lugar. Minsan ay makikita rin itong kumakain sa ibabaw ng mesa at kumakain ng ulam nang walang paalam." Ito ang sinabi ng PokeDex sa kanya at napangiti pa siya pagkatapos. Agad niya ring kinuha ang nag-iisang Pokeball sa kanyang tagiliran. Balak kasi niyang hulihin ang Pusa at nananabik din siya dahil ito rin ang magiging kauna-unahan niyang battle.

"Ikaw ang lumaban...Daga!" Ibinato niya ang isang Pokeball sa ere at iniluwa nito ang isang maliit na hayop. Kulay abo ito, may mahabang buntot, malaki ang dalawang ngipin sa unahan at kung titingnan ay parang napakabaho nito. Nang makita naman ito ng Pusa ay agad nitong inilabas ang matatalas nitong kuko at mabilis na inatake ang Daga.

"Gumamit siya ng Tackle," bulong naman ng trainer nang makita iyon.

"Kaya mo 'yan Daga! Gumamit ka ng Iron Tail!" Nagliwanag ang buntot ng Pokemon niya at pagkatapos ay buong lakas nitong inihampas ang atakeng ito sa katawan ng Pusa. Pagkatapos no'n ay Thunderbolt naman ang ipinagawa niya sa kanyang Daga. Nabalutan ng kuryente ang maliit na katawan nito at isang mala-kidlat sa bilis na kuryente ang tumama sa katawan ng kalaban. Nangisay ang Pusa dahil do'n at pagkatapos ay isa namang walang lamang Pokeball ang ibinato ng trainer dito. Hinigop nito ang nanghihinang Pokemon at sa huli ay 'di na nga ito nakawala pa.

"Ayos! Nakahuli ako ng isang Pusa!" masiglang sinabi ng trainer matapos damputin ang Pokeball subalit isang matandang babae ang biglang lumapit sa kanya.

"Iho, nakita mo ba si Muning ko? Kulay brown siyang Pusa..." Napangiti ng pilit ang trainer nang marinig iyon at agad napatingin sa hawak niyang Pokeball. Naisip niyang baka ang kanyang kakahuling Pusa ang tinutukoy nito kaya agad niya itong pinalabas.

"Lola, iyan po ba ang hinahanap n'yo?" nakangiti niyang tanong.

"Iyan nga!" masayang tugon ni Lola at agad niyang kinarga ang Pusa. Hinalik-halikan pa nito ito at dinilaan naman siya ng kanyang alaga, patunay ito na sa Lola nga ang Pusa.

Ipinagpatuloy nang muli ng trainer ang kanyang paglalakad at isa na namang Pokemon ang kanyang nakasalubong.

"Isang Aso! Kilala rin ito sa tawag na Man's Bestfriend. Kadalasan din nitong tinatahulan ang kanyang mga 'di kakilala..." Balak din sana niyang hulihin ito subalit isang bata naman ang tumawag dito. Ibig-sabihin ay may nag-aalaga na rin dito.

K'wentong SorbeteroWhere stories live. Discover now