Chapter 9: Cinderella's Shoe

88.1K 854 65
                                    

"Princess?"

"Princess nakikinig ka ba?" saka lang ako bumalik sa katinuan ko..

"Haa?? Ano nga pala iyong sinabi mo?" Sabi ko kay Aaron pero nakafocus parin iyong mga mata ko sa dalawang silhouette na nakikita ko..

Hindi ako maaaring magkamali..Si Xander yun at si Kaylee..Pero anong ginagawa nila dito? Bakit sobrang dikit nila sa isa'tisa? 

Hindi ko alam na close pala si Xander at Kaylee..Hindi naman kasi sinabi ni Kaylee sa'kin ang tungkol sa bagay na iyan..Pero kelan pa sila naging close? Bakit hindi ko napansin agad? Baka kanina lang? O baka hindi talaga sila close?

Pero kung ganun, bakit kailangan pa nilang lumabas para lang makapag-usap silang dalawa? Pwede namang sa loob lang sila mag-usap diba? Pwede namang tatlo kaming mag-usap diba? Bakit kailangang silang dalawa lang?

Ang daming lumalaro sa isipan ko ngayon..Hindi ko na tuloy nadinig kung ano man iyong sinasabi ni Aaron..Pero alam ko kanina pa siya nagsasalita..

"Princess? Ano pumapayag ka ba?"

Iyong lang yung narinig at naintindihan ko ng maayos sa lahat ng mga sinasabi ni Aaron..

"Oy Princess.." ulit na naman ni Aaron

"Ahh oo.." Pumayag nalang ako kahit hindi ko man lang alam kung ano ba iyong tanong ni Aaron..Bahala na..Mas mabuti na iyong umo-o ako para matapos na lahat..

"Oo? So pumapayag ka na talaga?" 

 Ang kulet naman nitong Aaron na'to..

Tumango ulit ako pero hindi ko parin tinatanggal iyong mga mata ko kina Kaylee at Xander hanggang lumayo na iyong mga katawan nila sa isa't-isa..tapos na ata sila sa kung ano mang pinag-uusapan nila kasi pabalik na sila sa loob..

Pero nagtagpo iyong mga mata namin ni Xander habang naglalakad sila..Hindi ko alam kung ano dapat kong isipin ngayon.. Iniwas ko nalang iyong mga mata ko sa mga mata niya..Hindi ako ata keri ang sitwasyon na ganito..

"Pasok na tayo sa loob?" narinig kong sabi ni Aaron

Tumango lang ako at sumunod sa kanya..

Nakasunod lang kami ni Aaron ngayon sa kanila..Nakatutok lang iyong mata ko sa likod ni Xander..

Nalilito ako..Ano bang ibig sabihin nito?

Siguro tatanungin ko nalang si Kaylee tungkol dito..Pero, baka isipin niyang pinagdududahan ko iyong pagkakaibigan namin..Huwag nalang siguro..Baka may pinag-usapan lang talaga silang mahalagang bagay.. May tiwala naman ako kay Kaylee..Noon pa man alam na niya na gusto ko si Xander kaya hindi siya gagawa ng something na ikakasakit ng damdamin ko..Alam ko mahal ako ni Kaylee..

Bumalik na si Kaylee at Xander sa table namin kanina pero parang ayokong sumabay sa kanila..Ayokong magmukhang tanga ulit kagaya nong kanina..Sila lang yung nag-uusap at nagkakaintindihan habang ang role ko naman eh bulaklak lang sa kurtina..Display kumbaga..

The Princess' Heart (Completed)Where stories live. Discover now