Chapter 2

31 4 0
                                    

Narinig naming medyo nagkakagulo sa lobby kaya sinilip namin. Mukhang may dumating na bisita dahil panay ang bati ng ibang empleyado ng "Hello, Sir.", "Good morning, Sir.". Sakto namang bumalik si Lenard, isa sa mga kasama ko, sa station nya.

"Sino yun?", tanong ko dito nang maupo sya.

"Ah, Yung bagong VP sa finance kasama si Sir Domingo. Bago lang yun dito. 3 months pa lang. Bumibisita lang siguro.", tumango nalang ako. Malaki kasi ang kumpanyang pinapasukan ko. Kahit halos dalawang taon na ako dito. Hirap ako kilalanin ang mga Bosses. Iba iba kasi sila bawat department.

"Alam mo single yun.", napaangat ako ng kilay.

"Single din 'tong ballpen ko. Tusok ko kaya sayo.", tumawa naman ito at nakitawa na rin si Jake. Nang-iinis na naman ang mga loko. Kinuha ko yung ballpen. Nakasara naman at pinagtutusok ang tagiliran ni Lenard na hindi matigil sa kakatawa. Kapusin sya sana ng hininga.

"..and here's where the designs are coming from..", natigil kami nang dumating si Sir Domingo at tumayo nang nakangiti.

"Don't mind them Mr. Fajardo. Makulit yang mga yan pero they are really effective. Believe me.", muntikan na akong masamid nang magkasalubong ang tingin namin ni Mr. Fajardo. Nakakaloka. Isa isang pinakilala kami ni Sir Domingo kahit alam naman nating lahat na sa sobrang dami ng empleyadong ipinakilala nya ay makakalimutan rin nitong si Mr. Fajardo.

"..this is Jake and here's their muse, Jamie.", he extended his hand to me at medyo nagdalawang isip ako kung tatanggapin ko. Dahil hindi naman ako pinalaking bastos ay tinanggap ko iyon at nginitian sya na parang ngayon lang kami nagkita at kunwari ay tuwang tuwa ako sa presence nya.

"Good to see you here, Jamie.", Medyo may pagkamanyak si Mr. Fajardo dahil ilang segundo na ang lumipas at hawak pa rin nito ang kamay ko. Nang bitawan naman nya ay hinabol pa rin nya ang daliri ko.

"I'll see you guys around.", labag man sa kalooban ko ay pilit akong ngumiti at tumango dito.

Inaya na sya ni Sir Domingo na magpatuloy na pero pansin ko ang pagtitig at simpleng pagsulyap nito sa akin.

Nagulat na lamang ako nang bigla aking sikuhin ni Lenard at saka ko napansin na napapaligiran na ako nila Jake at pati si Homer ay nakiusyuso na rin.

"Kita mo yun? Astig. Type ka yata ni Sir Fajardo.", sinimangutan ko si Lenard.

"Paano mo nasabi? Kung basehan mo ay yung shake hands, dapat maoffend kayo. Kadiri daw kasi yang mga kamay nyo. Ang lalagkit. Mabuti pa yung kamay ko at malambot. Tabi nga!", tulak ko sa mga ito pero hindi nila ako tinantanan.

"Pati yung tingin, men. Damn! Balita ko may pagkababaero yang si Sir Fajardo. Nakita namin yan one time sa isang bar sa Eastwood. Kahalikan nya yung isang babae, kilala ko yung babae eh. Model yun ng Bench. Tapos sumunod na kita ko sa kanya sa may The Fort naman. Tangna! Sa isang gabing yun, tatlo yata nagpagsabay nya.", yan! ganyang ganyan kabababuy ng mga lalaking 'to. Lalo na 'tong si Homer.

"Hindi na ako magugulat kung babae kahalikan nya. Kung lalaki baka dun pa ako naging interesado."

"Ano ka ba? Hindi naman lahat ng lalaki babaero. Minsan yung iba, pinanganak lang talagang gwapo kaya lapitin ng babae. Dapat pa nga kaming maoffend kasi wala namang kaming ginagawa ay babaero agad ang tawag sa amin.", sabi ni Lenard. Tuloy pa ang kantiyawan nila Lenard at Homer at pati si Jake at nakikitawa pero si Homer ang pinakamatindi. Si Jake kasi may girlfriend at si Lenard ay may nililigawan.

"Ganyan naman kayo eh. Lahat ng butas, gusto pasukan. Bakit di kaya butas ng isa't isa ang pasukin nyo-Aba! tatawa pa!", kumuha ako ng papel at nirolyo saka pinagpapaglo yung tatlo dahil hindi na halos makahinga kakatawa.

Letters To My Future HusbandDonde viven las historias. Descúbrelo ahora