"Good evening." Iyon ang bungad samin ni Nanay Ellaine nang tumuloy siya sa receiving area ng private room ni Trigger. Kasunod nito ay si Tatay Lander at ang dalawang anak ng mga itong si Summer at Autumn.
"Good evening." Bati rin ni Tatay Lander na pinagbawalan na ang mga PSG nito na sumama pa sa loob. "We're very sorry for what happened, lalo na sayo Zigger."
Tipid na ngumiti si Tito Zigger. "Gaya ng sinabi ko, walang may gusto ng nangyari."
"Anyway, how's Trigger? Where is he?" Tanong ni Tatay.
"Nasa operating room na siya, dalawang oras narin halos. Ang sabi ay aabutin ng siyam na oras ang operasyon." Sagot ni Tito Zigger.
"Oh God..." Si Nanay Ellaine naman ay binalingan ako, her eyes were swollen na tila ba bunga ng labis na pag-iyak, malungkot itong ngumiti. "Naikwento na sakin ni Summer ang lahat ng nangyari, humihingi ako ng tawad sayo Thalia."
Hindi ko alam kung bakit, pero humigpit ang kapit ko sa braso ni Tita Mommy na siyang hindi umalis sa tabi ko. Pakiramdam ko ay nanghihina ako.
"Patawad, Chiara. Sa lahat ng kaguluhan na naidulot ng aking anak." Muli itong humikbi. "Winter is such a sweet girl, hindi masamang tao ang anak ko."
"Maraming nagiging masamang tao dahil sa labis na pagmamahal, Ellaine." Si Tita Moana iyon na abala sa pag-babalat ng orange na nasa fruit basket na dala ni Lance. "Winter isn't a girl anymore, she's a woman now."
"Muli akong humihingi ng tawad." Malumanay nitong sabi.
Nagkibit balikat na lamang si Tita Moana at sinimulan ng kainin ang orange na binalatan na siyang para naman talaga sana kay Trigger.
"I appreciate your apology for your daughter's mistake, Ellaine." Nagulat ako ng mag-salita si Tita Mommy sa tabi ko. Her face is formidable. "Your family had been very close to my heart, Nisha is my soul sister and I treated her as my half. But you all know me too well, you all know how much I can do to protect my family. Trigger is with Thalia, Thalia is a DeSalvo. Trigger is now a part of my family. If anything worst happen to Trigger, Thalia and the baby, I'll be the one who'll put your daughter behind cold bars. And I'll make sure that the both of you can't do anything about it."
Natigilan ang lahat, maging si Haring Red ay nanatili lamang na nakamasid kay Tita Mommy.
"This isn't because I wanted to get even, but this is because I want your daughter to know how serious the situation is." Her perfectly shaped brow arched. "Na hindi basta basta ang kinalabasan ng nagawa niya, I'm sure Zigger wont sue her but I will. And remember, I am Chiara Paula DelaPaz-DeSalvo Santa de Leones."
Miski ako ay pinanlamigan ng kamay sa sinabi nito. Chiara Paula will always have this kind of power that can shake the whole room without lifting a finger.
Nabalot kami ng katahimikan, Nanay Ellaine just let out another sigh and bowed her head. Ang mga lalaki ay nanatiling tahimik, ganoon rin kami nina Romee, Lance, Summer at Autumn.
Si Tita Moana ang siyang bumasag ng katahimikan sa pamamagitan ng pagpalakpak nito.
"Wala eh, wala akong ganyang power. I'm just Moana Marie. Pero kung gusto niyong daanin sa dahas, eh maaasahan niyo ko diyan." She elbowed Lance who's sitting next to her. "Ikaw ha! Yan ang mga pini-peg mo diba?"
"Tita M!" Lance hissed in annoyance bago ito naman ang kumuha ng orange sa basket. "You let them nalang, ipagbabalat nalang kita ng orange just shut up."
"Barilin ko yang bunganga mo ng ikaw ang ma-shut up ko, Lance Dannice wag mo kong pairalan ng ugali mo ha. Sakin galing ang unang panty mo baka nakakalimut-"

YOU ARE READING
Tempting Trigger
RomanceFor many years, Trigger has been so good in resisting temptations. He's always smart to know what's best for him. And Thalia Cameron is a walking and talking temptation every man would indulge at any time. She's like the apple of Eden waiting for hi...