Chapter 9

9.2K 370 15
                                    

UNEDITED...

"Nanaginip ba ako?"Tanong ni Winona sa sarili.

"Hindi po Mam, kasi po mali po ang pagkaka-park nyo ng kotse ninyo."sabi ng parking boy kay Winona.

Napangiwi si Winona sa tinuran ng parking boy, nginitian niya ito atsaka pinakiusapan na ito na ang mag park nito. Agad siyang pumasok sa Restaurant na kinaroroonan ng mga kapatid habang tinatahak niya ang daan palapit sa mga ito ay napapaisip siya kung bakit narito ang mga ito sa Nueva Ecija.

"Hello, guy's."ang nakangiting bati ni Winona sa mga kapatid at hipag."anong meron at kumpleto tayo?"tanong niya sa mga ito kasabay ng pag-upo sa bakanteng upuan na sa kanang tabi ni Zylene.

"Bonding lang, we miss you lang naman."sagot ni William na nakangisi sa kanya.

"Wirdo."bulong ni Winona ng mapansin ang nakakalokong ngiti ni William."order na tayo, I'm starving."

"Okey na nakaorder na, i-serve na lang pagdating ng guest natin."sagot naman ni Zylene.

"Guest? Akala ko ba tayo lang?"tanong ni Winona.

"They're not other people,bunso kaya 'wag kang OA."singit ni Wayne.

"Kuya ako OA at bakit wala naman akong sinabing masama?"nakanguso niyang sagot dito.

"Anyway, I heard may suitor ka daw na hapones, is it true?"usisa ni Mhitzi sa kanya.

Naitirik ni Winona ang mata at sa isipan niya ay "langya ka Raquel makukurot ko ang singit mo!"

"Mr. Hatuzi right?"sabat naman ni Ellaine.

"Hatuzi Japanese Spa and Hotel's, correct me if I'm wrong?"nakangisi na sabi ni Rachelle.

"Oo you're all right sa mga information ninyo mga ate."

"So, sinagot mo na ba para naman malibre kami sa spa."

"Dumali na naman pagkakauripot mo kuya William.''sagot ni Winona sa kapatid. Nilinga niya ang dalawang nakakatandang kapatid na si Wendell at Wade, kapansin-pansin kasi ang pananahimik ng dalawa na laging nakatingin sa kanya."wait kanina ko pa napapansin yang mga tingin nyo kuya Wade, kuya Wendell! Anong ibig sabihin ng mga tingin nyo na iyan ha?"tanong niya sa mga ito kasabay ng paghalukipkip.

"Hon, I told you."sabi ni Mitzi sa asawa.

"Honey, hindi pa rin ako pumapayag okey!"mahinahon ngunit may diin niyang sagot sa asawa.

Naitirik muli ni Winona ang mata sa usapan ng mag-asawa na hindi niya masakayan." Sino ba kasi ang hinihintay nyo napakapa VIP naman. Wala pa akong lunch!"reklamo ni Winona at kumaway sa isang waiter na dumaan, ng makita ni Winona na palapit na ang waiter ay hinagilap niya ang menu at ng maramdaman niyang nasa tabi na niya ang waiter ay agad niyang sinabi ang kanyang order ng walang tinginan.

"I want one Caesar salad with grilled chicken breast, one Apple juice and small bowl of corn. Pakibilisan ha at gutom na gutom na ak......"

"Hi..."

Hindi naituloy ni Winona ang sasabihin sa inaakala niyang Waiter, napanganga siya ng makita ito at sa isang salita ay halos dumagundong ang dibdib niya sa kaba, same impact four years ago.

"Winona!!"malakas na tawag ni Wade sa Kapatid na ikinaiktad nito.

"Kuya! Bakit ka ba sumisigaw.?"

"Balak mo ba siyang kainin ng buhay, makanganga ka ang wagas!"sagot ni Wade na ikinapula ng buong mukha ni Winona.

"Honey!"may diin bigkas ni Mhitzi sa asawa." Sis, pagpasensyahan mo na ang kuya mo nag-a-ala leon na naman."

"Bro, it's been a year's, hanggang  ngaun ba naa ay galit ka pa sa'kin?"

{COMPLETED} AGAINST ALL ODDS {Editing}Where stories live. Discover now