Chapter 20: Secret conference

500 16 0
                                    

Javier's POV

"Oo, tama nga ang hinila natin."

Kumpirma kong sabi sa 12th P.S. Kinumpirma ko sa kanila na talagang magkasintahan na ang dalawa.

It's a good thing that Chris is not around. All thanks to Seychelle. She's changing him and we all think it's not a good thing.

"Ano nang gagawin natin nyan?" -Vincent

"We can't let them to be together." Paliwanag ko.

Great. So now kami na ang  magiging hadlang sa relasyon nila.

"Habang buhay tayong kamumuhian ni Master nito sa oras na maalala na niya lahat.  Siya ang Pinuno natin, pero tayo ang nagtago sa kanya ng katotohanan.." Pagsang-ayon naman ni William.

"Yan na nga ba ang sinasabi ko e. Tsk.. tsk... Hindi na dapat muna tayo bumalik dito sa Pilipinas. Pero, mabilis pa sa kidlat si Chris e! Bumalik dito na wala man lang pasabi." dagdag ni Matthew.

"Tungkol nga pala diyan... Hindi ko pa pala nakwento sa inyo."

"Ang alin Javier?" tanong ni Seth.

First of, how should I put this into words? Damn it! Bahala na silang maniwala o hindi.

"Dahil sa isang panaginip kaya biglang bumalik ng Pilipinas si Chris."

"Dahil lang sa panaginip? Is that even a reason?" Laking taka at tinanong ni Kiel.

"I wouldn't believed it either if he didn't told me. Sakin niya lang sinabi na babalik na siya sa Pilipinas. Kahit ako, nagulat din. Para daw kasi siyang hinihila pabalik dito... Lagi niyang napapanaginipan ang isang babaeng tinatawag ang pangalan nya.. Nung tinanong ko kung namumukhaan ba niya, sabi niya hindi pero ang kutob niya na parang si Karisse daw. So ever since that dream occurred, that's when he decided to return here."

"Akala ko sa mga palabas nalang ang mga ganyang eksena e. Nagkakatotoo din pala. Wala talagang napapalang maganda ang pagmamahal na yan. Tsk..tsk.. E bakit hindi mo man lang pinigilan si Chris?" tanong ni Ian.

"I already did. Syempre hindi yun tatalab sa kanya."

Napabuntong hininga ako. Ayoko na ngang balikan ang araw na yun e.. Yung araw na pinagtalunan pa namin ni Chris ang lihim niyang pagbalik sa Pilipinas. He is my best friend kaya kahit baliw siya sa pagmamahal, hindi ko siya kayang saktan, kaya hinayaan ko siya.

Pero hindi ko naman inasahan na sa pagbalik namin para sundan siya ay kasama na pala niya ung kamuhkang-kamukha ng kaisa-isang babaeng minahal niya higit pa sa buhay niya. Ganun ba talaga kautak at maparaan ang pagmamahal? 

Ibang klase nga naman talaga! At kay Chris pa un nangyari.

However, we did a terrible mistake to him.

Nasa Okinawa, Japan kami nung tinakasan niya kami para mag-balik bansa. Doon kami nanatili matapos ang nangyaring aksidente apat na taon na ang nakararaan. Sa Okinawa siya nag-recover at nagpagaling. Mga isang taon siyang comatose and unconscious noong dinala namin siya sa Japan. 

And he is very lucky to be given another chance to live.

Kung hindi namin siguro sya hinanap, baka marahil wala na siya.

Lapitin talaga siya sa kapahamakan lalo na noong magkasama sila ni Karisse.. At ngayong si Seychelle na ang kasama niya, the question is not if accidents will happen but when will it happen again?

And all those secrets left buried and untouched will slowly unearth and reveal. I just hope things will still be alright after years of secrets.

"Ano na munang plano natin ngayon?" Tanong ni Troy.

"I guess we don't have any choice. Hayaan na muna natin sila ni Seychelle. Mukha namang maganda ang treatment na binibigay ni Seychelle sa kanya. But we have to be neutral yet on the look. Kilala naman natin si Chris, madali siyang makahalata. Ayoko man sanang sabihin to hindi lang dahil sa best friend ko siya at siya and leader natin, pero... Kailangan nating malaman ang tungkol sa pagkatao ni Seychelle. Kailangan nating maunahan si Chris. Alam kong hindi siya susuko hanggat di niya napapatunayan na iisa nga lang ang babaeng minahal niya noon at ang kasalukuyang minamahal niya."

"Sang-ayon ako diyan." - James.

"Ako din. Huwag lang sana natin to pagsisihan sa huli." - Ian

"Kailangan natin tong gawin para sa ikakatahimik ng lahat." sabi ni Kiel.

"Paano naman si Seychelle?" -tanong ni Warren

"Kami na munang bahala ni Philip at William."

Pumayag naman sila.

"Babalitaan namin kayo kaagad kung meron na kaming nasagap na balita. Sa ngayon, wala tayong gagawin sa relasyon nila ni Chris.. Let him happy."

"Pano naman si-" naudlot ang tinatanong ni Warren nung siniko sya ni William.

"That man is in no territory to interfere." Deretsong sagot ko.

"Seryoso ka ba diyan, Javier? Wag mo sanang kalimutan na tinulungan niya din tayo." payo sakin ni Vincent.

"To make himself guilt-free." Pagtama ko sa kanya. "Hihingi tayo sa kanya ng tulong sa tamang panahon. If there's anyone who needs to explain, it's him."

"Teka, meron din tayong dapat ipaliwanag sa kanya. What if he asks why on earth did Chris returned here?" sabi naman ni James.

"Then we'll talk to him. And after that, he should know where he should be." Agad kong paliwang.

*bleep bleep bleep

Kinuha ko ang phone ko.

Si Chris nagtext.

"Who's that?" tanong ni Seth.

"Si Chris. Magkita-kita raw tayo sa dating lugar. The same place na naging tambayan natin noong nasa highschool pa tayo."

"Bakit daw?" tanong ulit ni Seth.

"Ewan. Puntahan nalang natin. Kaya kayo! Walang kakanta sa inyo kay Chris tungkol sa mga pinagusapan natin ngayon. Alam kong isa tong napakamalaking kasalanan dahil para narin natin syang tinatraydor at nilalayo sa katotohanan.Pero kailangan muna nating ayusin ang mga gusot na ginawa natin. Mas malaki na ang posibilidad na lalo tayong di mapapadali dahil kay Seychelle.. Lahat tayo naguguluhan e! Pagdasal nalang natin na sana kung may mangyayaring di maganda sa hinaharap, sana hindi na kasing lala noon."

Akala ko ba abala siya sa nobya niya?!?

My Sweet PianistDonde viven las historias. Descúbrelo ahora