Wowowee Stampede

2.2K 50 2
                                        


by: Prince 

share ko lang ang karanasan namin ng Papa ko

di ko malilimutan ang kwentong ito dahil kitang kita nang dalawang mata ko ang mga pangyayari

FEB 4 2006 yan ang date na di ko malilimutan

madaming tao ang nagtipon at nakapila sa philsport stadium, napakadaming tao nito sabi nila 25 to 30 k lang naman ang nakapila dito

di ko na matandaan ang oras ng habang nakapila kami ni papa at nakita namin si mang berto na nakatingin saamin at tila ba tinatawag kami gamit ang senyas niyang kamay

dahil nakapila kami n papa ay tinawag niya nalang ito,,

dahil ayaw parin lumapit ni papa muli nanaman sumenyas si mang berto

dahil bfestfriend naman ni papa ito sinundan namin ito

palayo siya ng palayo hanggang nakalayo nadin kami sa pila at sa maraming tao

nainis nadin si papa sa kakahabol kay mang berto sinundan namin si mang berto dahil alam ko ay importante ito nakita namin si mang berto na nawala nalanmg bigla


pabalik na sana kami nang marinig namin yung mga hiyawan, sigawan iyak, humihingi ng tulong, sa di namin alam na dahilan ay nagkaroon ng kaguluhan sa pila 

inalayo ako ni papa at nakita ko ang buong pangyayari dumating na ang madaming pulis ambulansya at rescuer

Pagkauwi namin nang bahay ay dederetso muna kami sa bahay ni mang berto

pero laking gulat namin na may burol sa bahay ni mang berto at si mang berto ang lamn ng kabaong

ayon kay aling josie asawa ni man berto ay inatake sa puso around 5:30 am kung san ang oras na iyon ay nakita namin si mang berto na tinatawag kami

Di na namin ito naikwento kay aling Josie dahil di naman sila maniniwala


sabi sakin ni papa wag daw ako matakot dahil si man berto ay naging isang mistulang anghel saamin upang di kami mapahamak sa kaguluhan nang araw na iyon


yun lang po pasensya na po di ko po masyado nidetalye

Kilabot Secret filesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon