Chapter 63 - Broken Promise

33.4K 406 18
                                        

Chapter 63 - Broken Promise

Love is blind and love can be foolish – Our heart doesn't always love the right people at the right time. Sometimes we hurt the ones that love us the most and sometimes we love the ones that don't deserve our love at all but Love does not begin and end the way we seem to think it does. Love is growing up and forgiveness.


Matiyagang naghihintay sina Ella at Unique sa pathway malapit sa room ni Anya, kung saan siya kasalukuyang nage-exam kasama si Joyce. Halos dalawang oras na silang nakatayo roon, at pareho silang parang pinapatay ng tensyon sa paghihintay.

Ilang sandali pa, bumukas na ang pinto ng classroom. Isa-isa nang lumabas ang mga estudyante. Binantayan nila ang paglabas ni Anya, at nang makita nilang kasama nitong lumabas si Joyce—na pareho silang may malungkot na ekspresyon—lalo silang kinabahan. Hindi sila makagalaw, para silang nabato sa kinatatayuan nila.

Napansin ni Anya ang dalawang kaibigan niyang nakatitig sa kanya, kita sa mga mata ng mga ito ang labis na pag-aalala. Kaya't ngumiti siya at tinaas ang isang kamay, ipinorma ito sa isang OK sign. Kitang-kita ni Anya ang biglang pag-aliwalas ng mukha ng mga kaibigan niya, kaya't agad niya silang nilapitan at sabay na niyakap.

"I passed the test!" masayang sabi ni Anya, yakap pa rin sina Unique at Ella.

"She got 80%. " sabi ni Joyce, natutuwang pinapanood ang yakapan blues ng magkakaibigan.

"Ang galing mo!" masayang sabi ni Ella.

"Sabi ko na nga ba, kaya mo 'yun," sabi naman ni Unique.

Kumawala si Anya sa yakap, at may namumuong luha sa kanyang mga mata.

"I'm sorry kung pinag-alala ko kayo. I'm sorry I messed up," naiiyak na sabi niya.

"Tama na ang sorry. Kalimutan na natin 'yun. Ang mahalaga, okay na tayo. Magtulungan na lang tayong ayusin ang lahat simula ngayon," sagot ni Unique.

"Alam ko na. Hahanapin ko kung sino ang gumawa ng video. I'll make sure that whoever—"

"Wag na, Unique," nakangiting sabi ni Anya, pinigilan ito.

"Pero kailangan niyang managot! Hindi ako papayag na basta na lang niyang sirain ang buhay mo ng ganun," mariing sagot ni Unique.

"Alam ko kung sino ang gumawa ng video," mahinahong sabi ni Anya.

"ALAM MO?" sabay-sabay na gulat na tanong nina Ella, Unique, at Joyce.

"Oo," sagot ni Anya, tahimik pero sigurado.

"Kung alam mo, bakit nananahimik ka d'yan? Isumbong na natin siya para malinis na ang pangalan mo," mariing sabi ni Ella.

"Hindi na mahalaga 'yun. At least, not anymore."

"Anya..." sabay na sabi ng mga kaibigan niya.

"Basta ang mahalaga ngayon, kasama ko na ulit kayo. Isa pa, tama na sa akin ang malaman na hindi n'yo ako iniwan—totoo man 'yung video o hindi. Okay na ako doon."

"Bestfriends forever," sabi ni Ella.

"Forever!" sabat ni Unique.

"Naman!" masayang sabi ni Anya.

"Anya."

Nagulat siya sa tawag ng pamilyar na boses. Si Cholo pala—kanina pa pala nandoon, at narinig ang lahat.

Ace-sin Kin's SlaveWhere stories live. Discover now