Angel in Disguise - Chapter 3 *Suspicion*

923 18 0
                                    

  Chapter 3

*Suspicion*







[Jake's POV]





"so how long have you been together?" tanong nung isang reporter saamin





"matagal na" sagot naman ni Venus sabay ipinulupot niya ang mga braso niya sa braso ko na akala mo eh isang ahas. Tss, akala ko ang ahas nasa gubat lang, meron din pala dito "eversince nagkasama kami sa shooting ng movie na to, mas lalo kaming naging malapit sa isa't isa but we decided to keep it private"





Halos mapa-irap na ko dahil sa pinagsasabi ng babaeng to. No wonder she won a lot of acting awards. She's a very good actress.





"but  since mahal na mahal namin ang mga fans namin, naisipan namin na ipakita na sa kanila ang real deal between us" sabi ko naman doon sa reporter






Ha! Kala niya siya lang magaling umarte? Ako din no. Sinakyan ko ang ginawa ng babaeng to kanina sa isang kadahilanan: more exposure. Since alam na nilang 'real life couple' ang mga bida doon sa movie namin, mas lalo silang magkaka interes na manuod nun. Sus, uso na ang ganitong style sa mga artista ngayon. Syempre magpapahuli ba kami?





Right after ng mall tour, dumiretso ako agad sa back stage at nakita ko naman doon si Dionne.





Dali-dali siyang pumunta saakin at inabutan ako ng tubig





"inom ka muna" she told me while smiling





Ngiti-ngiti ng isang to? Para siyang aso.





"ayoko niyan. Kunin mo na lang yung alcohol na pinabaon ko sayo kanina"





Agad namang hinalungkat ni Dionne yung bag na dala niya at kinuha niya yung alcohol. Binuksan niya ito at lalagyan niya na sana ang kamay ko ng bigla naman may tumabing sakanya





"tabi ka nga!" kinuha ni Venus sa kamay ni Dionne yung alcohol "akin na yan!" lumapit si Venus saakin "akin na ang kamay mo"





I smirk then kinuha ko sa kanya yung alcohol "the show is over darling. You should stop acting now"





"acting?!"  parang gulat na gulat na tanong ni Venus






Oh ano naman akala niya? Totohanan yung kanina? Asaness men! Kapal niya no!





"let's go!" hinila ko si Dionne palayo doon kay Venus. Loka-loka ang babaeng yun eh. Mamaya gahasain pa ko, nakakatakot!



"Wait Jake!!"





Sinubukan niyang habulin kami pero dahil sa ang bilis ko maglakad, at ang taas ng heels niya, di niya kami nagawang mahabol





"Japoy.."



"ano?!"



"uhmm bat iniwan mo yung girlfriend mo? Di ba dapat sabay kayo umuwi?"



"she's not my girlfriend! Mandiri ka nga sa sinasabi mo!"



"pero maganda naman si Venus, tsaka kakasabi niyo lang kanina na kayo na di ba? Hinalikan ka pa nga niya"



I smirk "alam mo, ang mga artista gumagawa ng eksena lalo na pag may movie na ipapalabas. Kung baga sa mga businessman, kailangan nilang gumawa ng mga pakulo para bumenta ang produkto nila" inilapit ko ang mukha ko sa kanya "naiintindihan mo?"





Nagulat naman ako ng bigla siyang sumimangot. Mula pa kanina lagi siyang nakangiti, pero eto ang unang beses kong nakita na sumimangot siya 

  "edi parang niloko niyo narin yung mga taong humahanga sa inyo? Masama yun di ba? Ano kaya mararamdaman nila pag nalaman nilang di totoo lahat ng yun?"



"b-bakit ba!! Ano bang paki mo? P.A ka lang at hindi ikaw ang konsensya ko ok?! Get in the car!!"





Dali-dali naman pumasok si Dionne sa kotse katabi nung driver habang ako naman nandun sa likod.





Tss, nakakabadtrip! Bakit ba parang nakokonsensya ako?! Argggh!! Yamot! =__=













"Japoy, nagugutom ka na ba? Gusto mo ba magluto ako ng dinner?"





Tinignan ko siya "marunong ka ba?"



"hindi" ^___^v





=___=





=___=







=___=







>:(







"HINDI KA MARUNONG MAGLUTO?!?!?!?!"



"hehehehehhe oh puso mo! Wag ka na magalit!" :p





Napahilamos ako sa mukha ko. Anak naman ng tinapa eh! anong klaseng P.A ba tong nakuha ni tito?! Grabe makielam! Ang lakas mantrip! Pero di marunong magluto?! Anak ng tinapa naman oh! Mukhang gugutumin ako sa isang to eh!!





Inilabas ko yung wallet  ko at binigyan siya ng isang libo "bumili ka ng pizza sa labas at ng recipe book! From now on dapat kang matuto ng magluto whether you like it or not!!! I'm giving you a week to learn! Pag ikaw di natuto palalayasin kita dito sa bahay! Naintindihan mo?!?!" halos lumuwa ang mata ko sa sobrang panlalaki habang sinasabi ko sa kanya ang mga bagay na yan. Nakakaramdam ako na puro pangungunsumi lang ang mapapala ko sa weirdong babaeng to eh =__=

Angel in Disguise By AlyloonyWhere stories live. Discover now