30.4 Outbound Tour

198K 8.1K 2.3K
                                    

Chapter 30.4

Hindi ko maiwasang hindi ma-paranoid sa lugar kung nasaan kami ngayon. Iniikot ko ang paningin sa paligid. Para kaming nasa gitna ng kagubatan. Just exactly the place looks like in the 'Wrong Turn' movie. Kumakagat na pa naman ang dilim sa paligid. Oh my, gosh! Feeling ko, lalabas na yung killer anytime.

"Tyrone, don't tell me mag-i-stay tayo dito?" nagpapadyak ako ng mga paa sa frustration. How could they leave us here? Hindi ba nila chineck na hindi pa kumpleto ang mga estudyante sa bus?

Ginulo ni Tyrone ang basa niyang buhok at bagsak ang balikat niyang binalingan ang direksyon kung saan nanggaling ang mga bus kanina. "Hindi ko kabisado ang daan palabas dito sa gubat pero sa tingin ko naman, one way lang 'to." Nilabas niya ang phone niya tapos napansin ko yung pagkadismaya sa mukha niya. "Tsk. Wala pang signal."

Nilabas ko rin ang phone ko. Tama nga siya. 'No service' ang status ng network ko. Napakamot nalang ako sa ulo ko. Nakakainis! Nang dahil sa mangga, naiwan kami. "Sorry, kasalanan ko 'to e. Kung hindi ko sana pinush yung kagustuhan ko sa mangga, hindi tayo maiiwan."

Ngumiti siya sa akin ng alanganin, tapos pinasadahan niya ng kamay niya ang buhok niya. Pinipigilan kong ngumiti kasi guilty ako, pero kasi. . . ugh, mas gwapo pala siya kapag hindi nakaayos ng wax ang buhok.

"Hindi ikaw o tayo ang may kasalanan kundi yung tour guide. Kahit man lang sana yung class rep niyo, chineck sana kung kumpleto na ang mga estudyante sa bus. Trabaho nila yun e," he paused and took out a deep breath. "Malamang naman siguro, mapapansin nilang kulang sila. Babalikan nila tayo panigurado."

Ngumuso ako habang nakatingin sa daang pinanggalingan namin kanina. For some reason, pumasok sa isip ko si Badaf. Sumimangot ako kasi malamang sa malamang nag-aalala yun kakahanap sa akin. Kanina pa nga lang na naiiwanan kami ng bahagya e nag-aalburoto na siya. Paano pa kaya ngayon?

"Tyrone, mas mabuti pa siguro na maglakad nalang tayo hanggang sa marating natin yung highway kaysa ang mag-stay tayo dito." Nilibot ko ulit ang mga mata ko sa paligid. Bakit ba kasi walang mga bahay dito?

"Sige. Mas mabuti pa nga," sabi niya habang sinisimulan na ang paglalakad na madali ko namang sinabayan. Bitbit ko yung body bag ko habang siya naman ay bitbit yung back pack naming dalawa.

"Ako nalang kaya sa back pack ko, Tyrone?" Nakakahiya naman. Alam kong lean na yung katawan niya pero mabigat pa rin kaya yung bag ko.

"'Di. Ayos lang," sagot niya nang nakatingin ng diretso sa daanan. "Dapat sinuot mo nalang ulit yung rubber shoes mo."

Napatingin ako sa paanan ko. Nagpalit kasi ako ng sapatos into flip flops since pauwi naman na.

"Bakit?"

Luminga-linga siya saglit bago niya ako binalingan. "Para in case na may humabol sa atin dito, makakatakbo ka ng mabilis. Kapag kasi tsinelas, mapipigtas yan."

My initial reaction? I clung into his arm. "Tyrone naman!" Duwag pa naman ako sa mga ganyan. Kung hahabulin man nga ako ng zombies, mas pipiliin kong magpakagat nalang kaysa ang tumakbo ng mabilis. "Mabagal ako sa takbuhan. Ano ba!"

Ngumuso ako nang tumawa siya. Yung tawa pa naman niya, parang amused na amused siya sa akin at hindi nabobother sa sitwasyon namin ngayon. "Joke lang. Nililibang lang kita para hindi natin mamalayan yung haba ng nilalakad natin," nakangiting sabi niya sa akin.

Natahimik nalang ako pagkatapos nun. Hindi ko na rin naalis sa braso niya ang kapit ko. Kahit joke yun, napaparanoid pa rin ako. Pero hindi na rin masama 'to. Mas okay na ito kaysa ang ako lang ang naiwan dito. Yun ang hindi ko kakayanin. Awtomatikong pumasok sa isip ko si Badaf. What if siya ang kasama kong na-tsuck dito? Napaismid nalang tuloy ako. Sus, for sure, talakan slash sisihan marathon ang magaganap sa aming dalawa.

[Book 1] Warning: Bawal Ma-fall Where stories live. Discover now