A Woman's Rage (2)

8.8K 159 3
                                    

Claire's POV

Natigil ang aking pagmumuni-muni nang maramdaman ko ang pagyakap ng matandang Fajardo sa akin. Gusto kong palisin ang kanyang kamay, nasusuka ako sa isang katulad niya ngunit kailangan ko siya. Kailangan ko ang yaman niya. Pasimple ko na lamang na pinunas ang namamasang pisngi ko.

"Magpakasal ka na sa akin Claire at ipinapangako ko sa'yo hinding-hindi ka maghihirap." Bulong niya sa tainga ko. Napangiti ako. Hindi ko akalaing ganito kabilis kong makukuha ang gusto ko. Tingnan mo nga naman ang mga lalaki dahil sa tawag ng laman, nawawala ang katinuan.

***

Pagkatapos kong pumayag na magpakasal kay Tandang Fajardo, agad nitong inasikaso ang kakailanganin. Biyudo na ito at may dalawang anak sa Amerika. Nang malaman ng dalawa niyang anak na babae na kami ay magpapakasal, agad silang umuwi at harap-harapang tumutol sa kasal.

"Dad, do you know what you're doing? Saan mo ba nakilala ang babaeng ito?" turo sa akin ng anak niyang babae. Napaismid ako sa isipan ko. Para namang hindi ako dehado sa kulubot niyang ama. Pero hindi ko ipinahalata ang pagkainis ko. Kailangan kong ipakita na maganda ang hangarin ko sa matanda.

"Mabait si Claire. You'll just have to know her." Pagtatanggol ni Fajardo. Nahihiya akong tumingin sa dalawang anak niya. Pero acting lang yun. Nakapanggigigil sila. Di naman sila magaganda. Mas makinis pa ang singit ko kesa sa retokadang mukha nila.

"Di bale nalang kung ayaw nila, wag na nating ituloy." Baling ko sa matanda na kunwari ay nalulungkot. Hinawakan naman niya ako sa mukha. Parang gusto kong masuka.

"Hindi, magpapakasal pa rin tayo!" madiing saad ng matanda. Napangiti ako.

Kasama akong umuwi sa mansiyon ng matanda. Doon din tumuloy ang dalawa niyang anak.

Ipinakita ko sa kanila na alagang-alaga ko ang ama nila.

Nakaupo ako sa sala ng makitang pababa ang anak niyang babae. Nagkunwari akong malungkot na nakatingin sa mga larawan nilang nakapatong sa piano. Hindi ko siya nilingon na kunwari ay wala akong nakita.

Nagpunas ako ng luha.

"Bakit ka umiiyak?" kunot-noong tanong niya nang makalapit sa akin.

"Wala naman. Nakita ko lang kasi ang masaya niyong larawan kasama ang mommy at daddy mo." Sabay turo ko sa larawan.

"Kahit kailan kasi ay hindi ko naranasan ang mahalin ng mga magulang." Malungkot kong saad. Naalala ko ang ina ko na mas kinampihan pa ang asawa kaysa sa akin. Nakatitig lamang siya sa akin.

"Ulila na kasi ako at sa ampunan lumaki. Kaya di ko naranasan kailanman ang pagmamahal ng mga magulang." Nagpunas ako ng luha.

"Kaya nung ipinakita sa akin ng daddy niyo kung gaano siya kabait, napamahal na ako sa kanya. Pasensiya ka na kung dahil sa akin nag-away pa kayo. Ayokong sirain ang pamilya niyo kaya aalis nalang ako." Tuluyan nang lumabas ang luha ko. Kung may award sa best actress, siguradong ako ang makakukuha.

Napangiti ako ng yakapin niya ako at marahang tinapik sa balikat.

"Masaya naman si daddy sa'yo kaya tanggap na rin namin. Basta alagaan mo siya ha?" saad nito. Napatango naman ako.

"Salamat." Sambit ko. Kumalas naman siya sa yakap at ngumiti.

"Sorry kung madrama ako." Saad ko.

"Ayos lang." ngiti nito.

Uto-uto din pala ang isang to parang yung ama niya.

Pag-akyat ko ng kuwarto, agad naman akong hinila ni Fajardo at hinalikan sa leeg. Ayoko kasing magpahalik sa labi at alam niya iyon. Bahagyang nagtagis ang bagang ko sa kamanyakan niya ngunit hinayaan ko nalang. Alam ko namang hindi rin magtatagal ang buhay niya.

Sumabay nalang ako nang ihiga niya ako sa kama. Kasabay ng pag-indayog ng katawan niya ang pamamanhid ng aking pakiramdam ngunit hindi ako dapat magpahalata.

"Oooh! Ang sarap mo Claire!" ungol niya. Nakapikit ito at damang-dama ang paglabas-masok sa akin. Para akong maduduwal. Buti nalang at pinagamit ko siya ng dobleng proteksyon para hindi madikit sa loob ko ang laman niya.

"Aaaah! Sige paaa!!" hiyaw ko. Mas lalo naman itong ginanahan. Nakakasuka talaga siya. Buti nalang at natapos siya agad.

Agad akong nagtungo sa banyo at naligo para maalis agad ang bakas niya sa katawan ko.

A Woman's RageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon