-BATTLE 9-
Janella's Point of View
Sinuot ko ang favorite white knee length dress ko. Hindi na ko masyado nag ayos. I just put my hair on a pony tail and put powder on my face and that's it! Nagmemake up lang naman ako pag kailangan talaga. Hindi ko naman feel na kailangan ko mag make up pag kasama si Ares. Nag white and gold flat shoes lang din ako. Simple lang.
Knock knock knock!
Agad kong binuksan ang pinto ko at nakita si Kuya at Ares. Nagulat pa ko. Kuya came in my room na para bang kwarto niya ang kwarto ko. "Let me get this straight... are you dating my sister?" Tanong ni Kuya kay Ares. Napatingin din ako kay Ares na ngayon ay sinarado ang pinto ng kwarto ko.
"Hindi ba dapat tinatanong din kita niyan? Are you dating MY sister?" Kunot noong tanong ni Ares kay Kuya. Alam ko ay mas matanda si Kuya Lucas kay Ares kaya para kay Kuya, ang inasta ni Ares sa kaniya ngayon ay kabastusan. Napalunok tuloy ako. Kinakabahan ako baka dito sila sa kwarto ko mag away.
"Yes, I'm dating your sister." Diretsong sagot ni Kuya kay Ares at pinagkrus pa ang mga braso nito.
"Well guess what...I'm dating your sister too." I saw a wicked smile on Ares' face. Tumawa naman ng nakakaloko si Kuya.
"You're joking. You don't even know how to court a woman, nor what love is, Ares. At kung ang kapatid ko ang liligawan mo? Kailangan mo muna pumasok sa milyong karayom para mapasagot siya." pagaangas ni Kuya kay Ares. Nagsukatan sila ng tingin. Halos mag kasing tangkad lang si Kuya Lucas at Ares. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Pumagitna ako sa kanilang dalawa.
"Kuya i can handle this ok? Aalis na kami. Diba may lakad ka din?" Kinuha ko ang bag ko at hinablot na si Ares papalabas ng kwarto ko. Pagbaba namin ng hagdan ay nakita pa namin si Mama at Dad na nasa sala. Nanonood lang silang dalawa ng TV. "Ma, Dad, Alis na po kami." paalam ko at bumeso pa sa kanilang dalawa.
"Ares, take care of my daughter ok?" Bilin ni papa kay Ares. aba? Magkakilala sila? Kumunot ang noo ko.
"I will, Tito." Nagpaalam na din si Ares kay Dad at Mama. Nakatingin lang ako sa kaniya at ngayon, siya naman ang humila sa'kin palabas ng mansion namin hanggang papasok ng sasakyan niya.
"Tito? You call my Dad 'Tito'?" Pagtatanong ko kay Ares habang inaayos niya ang seat belt niya. Tito? Bakit close ba sila ni Dad? Kahapon lang kami nagkakilala ng husto ni Ares, actually wala pa nga yata sa 20% ang knowledge ko sa kaniya eh ni edad niya di ko alam? Tapos close na sila ni Dad?
"Yeah...It's actually Lucas' fault. He assumed that i'm dating you so he told your parents. Ayoko namang mangbastos kaya sinakyan ko na lang ang giliw nila." Sagot ni Ares sa'kin. Epal talaga si Kuya kahit kelan! Pero teka...
"So magkakilala na din kayo ni Kuya?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya. Kung magusap kasi sila ay parang iyong ibang kaibigan lang ni Kuya.
"Yeah we're friends. He's one of my friends in the Death Space." death space ay iyong illegal underground PUB ni kuya. Tumango tango na lang ako. Kinabahan ako pero di ko na lang inalintana iyon.
"We're here." Aniya nang makalipas ang kalahating oras. Tumigil kami sa tapat ng napakagandang mansion. Madaming sasakyan na nakapark sa drive way, may mga tao din na nakapunti. Maliwanag ba maliwanag ang buong mansion nila.
Hinawakan niya ang kamay ko at nagpatianod ako sa paghila niya sa'kin. Wala akong kakilala sa mga taong nandito kundi siya lang. Nacurios tuloy ako. Tanghali pa lang pero ganito na kadaming tao dito? Imposible naman na party to dahil mukang di naman masaya ang mga taong nandito. As we reached the entrance of their mansion napatigil ako. May lamay?
"Sinong namatay?" Bulong ko kaagad sa kaniya. curiosity hit me kaya bigla kong natanong.
"My Mom." Nalaglag ang panga ko at saktong pagtigil namin sa isang corner kung saan malapit sa pamilya niya Nakaupo at nakaputi lang ang mga kapatid niya, hinahaplos nung Kuya ni Ares ang likod ng Ama nila na ngayon ay tumayo at lumapit sa kulay lavander na kabaong.
"Shocking isnt it..." mahinang tanong ni Ares sa'kin habang pinapanuod ang Dad niya na humahagulgol. Nakaramdam ako ng awa sa kaniya at sa pamilya niya. Hindi ko nahalata na may ganitong pangyayari sa kaniya and i feel bad...
"Ok ka lang ba?" Nagaalalang tanong ko sa kaniya. He gave me a weak smile.
"I actually don't know. I'm mad. Iyon lang ang alam ko. Galit ako." Seryosong sagot niya sa'kin. Ngayon ko lang nalaman na ganito pala ang pinagdaraanan niya. Hindi naman siya nagsasabi. I'm glad na dinala niya ako dito.
"I'm here for you." i smiled at him. Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan iyon. Naginit ang puso ko.
Nakailang minuto din kami na nakatingin lang sa pamilya niya na nakaupo sa harapan hanggang sa niyaya niya akong lumabas at narating namin ang pool side. Walang tao dito dahil ang lahat ay abala sa loob. Umupo ako sa loob ng isang kubo doon. Siya naman ay nakatayo lang sa labas ng kubo kaya dinungaw ko na lang siya. I rested my chin on my arm and look at him as he lights his cigarette. He looks so damn handsome with his seriouse face.
"I'm so mad. I want to kill all the doctors in that damn hospital. Anong klaseng doktor ba sila? They can't even cure my Mom!" Depressed na depressed na sabi niya. Tumayo ako at lumabas sa kuno para lapitan siya.
"Sabi ko sa'yo. Nandito lang ako. If you wanna kill those fucking doctors, Then let's kill together!" i said to cheer him up. Ngumisi siya at pinulupot ang mga braso sa baywang ko. Gusto ko siyang halikan kaya lang nakaharang ang sigarilyo sa bibig niya.
"You're so cute. You cant do that. Your brother's gonna kill me." Bumuga siya ng usok sa gilid namin at tinapon sa kung saan ang sigalyo niya.
"But i want to be with you.." I said with full honesty. I really wanna be with him. I like him. Hindi man love pero gusto ko siya ehh. I want him!

BINABASA MO ANG
Love is a Battlefield. [COMPLETE]
ChickLitAres Apollo Sy is the most heartless, ruthless, affectless, inhuman, and cold blooded person. Maliban sa pamilya niya ay wala na siyang pakielam sa kahit sino sa paligid niya. Until one day, he met a girl who has melted the thick ice on his heart. B...