*KRING...KRING...KRING...*
Tunog ng cellphone ni Karylle, ngunit hindi niya ito masagot kasi tulog mantika 'to.
Namumulat mulat na si Karylle dahil sa ingay ng cellphone nito, pero wala parin itong kakayahan para sagutin ang tawag sa cp niya."Mhh..." Ungol ni Karylle dahil hindi parin namamatay ang cp nito.
*KRING...KRING...KRING...*
"Sino ka ba?..." Sabi ni Karylle na parang kinakausap ang telepono.
Namatay na ang cellphone ni Karylle nang aabutin na niya ito.
"Sino ba to?" Tanong ni Karylle habang tinitingnan ang caller i.d ng tumawag kanina. Pagkatapos, biglang nagring ulit ang cellphone ni Karylle. At nakita niyang si Vice ang tumatawag. Ang taong kahit kailan ay kinaiinisan niya. Wala sa sarili niyang sinagot ang tawag ni Vice.
"At anong kailangan mo, Viceral?!" Pagmamataray na sagot ni Karylle.
"Goodmorning din." Sarkastikong sagot ni Vice.
"Ako ah. Inaasar mo nanaman ako. Agang aga! Tigilan moko." Sigaw ni Karylle, nang dahil dito nilayo ni Vice ang cp niya sa tenga niya dahil medyo nabingi siya.
"Hindi naman kita inaasar ah. Ba't ba ang sungit mo? Meron ka ba?" Pang-aasar ni Vice na ikinagalit ni Karylle.
"Ughhh! Bakit ko pa kasi sinagot ang tawag mo!" Naiiritang sabi ni Karylle.
"Cras (crush) mo kasi ako eh." Pabanat na asar ang isinumbat niya kay Karylle. Dahil dito, medyo namula ng konti si Karylle.
"Crush ka dyan! Hoy Viceral! Aabutin muna ng 50,000 years bago magkaroon tayo ng relasyon." Panunumbat ni Karylle kay Vice.
"Hahaha! Tingnan naten." Pang-aasar ni Vice kay Karylle.
"May gagawin pa ako! Sige, bye." Pagmamadali ni Karylle na agad niyang pinatay ang cp niya at nagsimulang gawin ang morning routines niya.
~
Sa kabilang dako...
Pagkatapos ng tawag nila ni Karylle ay agad tong napangiti ng pagkalaki laki. Dahil ang nasa isip nito, mission completed. Naasar nanaman niya si Karylle.Pagkatapos ng moment niya ay agad siyang bumaba para kumain. Nadatnan niya ang nanay niyang naghahanda ng almusal.
"O, nak, kain na. Masarap 'to! Alam kong gusto mo 'to!" Pang-aalok ng nanay niya.
"Oo nga po, nay. Mukhang masarap." Sabi ni Vice habang nakangiti.
"O, bakit ganyan ang ngiti mo?" Tanong ni Nanay Rosario habang nilalagay ang plato.
"Bakit naman, nay? Masama na ba ngayong ngumiti?" Pamimilosopo ni Vice at umupo na sa silya.
"Hindi naman, nak. Eh yung ngiti mo kasi, parang iba." Pagpansin naman ni Nanay Rosario na nakakunot ang noo.
"Inasar ko nanaman kasi si K." Sagot ni Vice habang nakangiti ng malaki.
"Nako, nak. Tigilan mo naman na si Karylle. Kawawa na yun." Pagmamakaawa ng nanay niya.
"Tsss.... Yaan niyo na ako, nay. MALAKI ang PLANO ko." Sabi ni Vice habang nakangisi.
At nagpatuloy nalang silang mag-inang kumain...
~
K POVI'm here sa office ni dad. Pinapatawag kasi niya ako. And, right, meron siyang company na ipapamana niya. Pero, hello?!?! Ayoko. I'm not even interested para maging next CEO. I'm not prepared and I will never be.
Currently akong naghihintay para kay dad ng narinig ko na may nagtext. And, sana hindi 'to si Vice. And as wished, hindi si Vice kundi si Anne. My closest bestfriend slash, soul sister. Siya lang naman ang taong ipagtatanggol ako dun sa Vice na yun! Argh.
From: Anning
Hi giirrrrlll! May party ako, syempre on the main bar 5:30 PM! And i am expecting u. Tandaan mo, ur my very expected guest, ah? Cge, bye. See yah! :)
Ahh... May paparty pala 'tong si Anne. Sige, dadating naman talaga ako. Ako palagi ang early bird sa mga parties niya. Oh, speaking of something. Andito na pala si dad. Si Daddy Modesto.
"Nak, I'm sorry. Medyo napatagal yata ako." Paumanhin ni dad sakin, na umupo sa harapan ko.
"It's okay, dad. So, what's up?" Masigla kong tanong.
"I'll straight to the point, Karylle. Are you really sure you don't want to be the CEO? I'm expecting so much from you, anak." Tanong ni dad. Bakit ba ang kulit ni dad? This is his tenth time na tanungin niya ito. Nakakasawa na.
"Dad, this is like tenth time you asked me. I'm 100% sure, dad. I want to live a very simple life. Yung, walang inaabalang ibang stuff such as work. I may not be the president, but I may have lower position, dad. I just don't want you to expect much from me, baka hindi ko makaya. And, I hope you understand me, dad. Let's just say, I want peace. Please, dad? Are you okay na po?" I explained. Cause, I'm sure. I just want to live a very peaceful life. Simple yet, hindi mahirap. Yung tamang yaman lang. Enough for food, clothes, and some other expenses.
"Sige, anak. I understand. I'll just ask Coco or Zia. But, tandaan mo, anak. You can always have a second chance from me, if you change your mind." Sabi ni dad at ngumiti. And, that's why I love my dad. He's very understandable like my mom. And, I also smile.
===================
ABANGAN...
Please, medyo boring. Pero, I'll make this more interesting sa mga susunod na kabanata, hahahaha! Speaking of these, thank you kay Chuchay_Niricia for making my cover. Luv yah! P.S pinsan ko siya, hahaha.

YOU ARE READING
The More You Hate The More You Love| Vicerylle
FanfictionPaano kung ang isang tao mahulog sa isang taong pinakaayaw niya? Posibilidad ba to o ka-echosan lang?