NAG TIMPLA ng kape si Ivy pagkatapos ng kanilang panibagong photo shoot ngayong araw. Isang sikat na magazine ang kliyente nila ngayon. Ewan ba niya pero dala siguro ng kasikatan niya bilang isa sa pinaka magaling sa larangan ng photograpiya ang dahilan kung bakit ang kompanya nila ang napili nito.
"Gusto ko yung photo shoot natin kanina." Biglang dumating si Polly habang hinahalo niya ang tinimpla niyang kape.
"Ang panget nga eh."
"Anong panget. Ang gondo gondo kaya. Lalo na yung kulay black na back ground buhay na buhay."
"You think?" Neon orange ang napili nilang kulay bilang back ground. Ang sabi kasi ng editor ng magazine at creative team nito ay gusto nila ng isang Korean and Japanese inspired na color pallet. Kaya naman yun ang unang pumasok sa isipan niya. Wild and exotic colors, naglagay din siya duon ng fushia pink at neon sky blue. Dumako siya sa kanyang lamesa at tinignan din niya ang kopya ng mga photos na nanduon. "Sabagay maganda nga naman." Sabi niya sa kanyang utak pagkuha niya ng isang litrato.
"Pero Polly. Parang..." Pag harap niya kay Polly ay bigla na lamang itong nawala. Imbis na ito ay bigla niyang nakita duon si Tales. Naka pula itong t-shirt at naka itim na pantalon. "Ba-bakit ka nandito? Nasan si Polly?" Hindi niya namalayan na umalis pala ito. "Ewan ko. Basta pag dating ko dito eh ikaw nalang mag isa."
Sinarado kaagad ni Ivy ang pintuan ng kwarto. "Saka paano ka nakapasok dito? Meron bang nakakita sayo?"
Kinayag siya ni Tales sa kanyang bewag, pagkatapos ay nilapit nito siya sa dibdib nito. "Relax kalang Mahal dahil malinis ang lahat, walang nakakita sakin." Nagbago ang mukha nito pagkatapos.
"Oh bakit?" Bigla itong natigilan.
"Naramdaman ko kasi ang tibok ng puso mo. Medyo malungkot ka, anong nangyari?" Hindi na siya nagulat sa katangian nito. "Wala lang, medyo upset lang ako sa ginawa naming photo shoot kanina. Pero Tales ah!"
"Ano?" Medyo nakangiti ito.
"Huwag mong ibahin ang usapan. Ano ngang ginagawa mo dito?"
"Tinatanong paba yan. Gusto nga kitang makita." Inamoy nito ang leeg niya. Gusto niya ang sensesyon na iyon.
"Pwera duon." Natigil si Tales sa kanyang ginagawa. "Ah eh Mahal, pwede ba tayong lumabas ngayong gabi?"
"HUh?"
Hanggang ngayon ay nagtataka parin si Ivy kung bakit ba bigla na lamang nagyaya si Tales na lumabas. Sa isip isip niya ay tila nasobrahan naman yata ito sa ka-sweetan at binilihan pa siya nito ng isang kumpol na pulang rosas.
"Anniversary ba natin?"
"Hindi."
"Eh bakit mo'ko binigyan ng bulaklak?"
"Ito naman puro ka tanong. Ito oh kainin mo muna." Ipinag handa siya ni Tales ng pagkain na ti-nake out nila sa isang fast food chain. Special siopao iyon na ni request din niya. Nilagyan ni Tales iyon ng itim na sause sa gitna. Tumingin din siya kay Tales. Sabagay masama bang sumobra ang ka sweetan nito kahit na isang araw lang. Kaya naman ay hindi na siya nagtanong pa. Nakaupo na sila ngayon sa may dulo ng parke, kung saan sila lamang ang tao. Dito nila napag desisyunang magpahinga pagkatapos nilang maglakad lakad.
Pinagmasdan nila ang ganda ng liwanag ng buwan ng mga sandaling iyon. Naalala tuloy niya ang una nilang pagkikita ni Tales. Nang maging math tutor siya nito. Tales is not so presentable at that time pero kita niya na tila may iba sa mata nito. Na wiwirduhan nga siya sa pagkatao nito nung una pero ng nalaman niya na isa pala itong bampira ay naunwaan na niya ang lahat. She love him much more, or even a hundred times like before.

YOU ARE READING
Midnight Coven
VampireSAAN SIYA NANGGALING? (BOOK 2 Of MIdnight Son) Para sa karamihan. Ang Springville state ang isa sa pinaka magandang istado sa buong Pilipinas. Tahimik, mayaman at higit sa lahat ay ligtas. Pero dati yun. Dahil sa pagbabalik ng mga Armada ay maraming...