MISSING CHAPTER XIV

43.9K 1.1K 132
                                    

I went to church before I went home. Nagulat at kinabahan ako dahil may nakita akong sasakyan ng pulis sa labas. Naririnig ko si Mommy na sumisigaw sa loob. Binuksan ko yung gate at nakita si Daddy na naka-posas. May dalawang pulis sa tabi niya. Tangina, what the fck is happening? 

Tinulak ni Mommy yung pulis, "Pakawalan mo siya, hayop ka! Hayop kayo!" Sinuntok suntok niya sila pero tinulak siya ng pulis. Sabay kaming lumuhod ni Daddy para tulungan si Mommy. 

Hinalikan ni Daddy si Mommy sa forehead, "Zaida, tama na. Sasama ako sa kanila, aayusin ko 'to."

"Anong nangyayari?" Tanong ko sa kanila.

Natigilan sila. Daddy lowered his head and Mommy hugged me. Sobrang umiiyak siya. Ngayon ko lang nakitang umiyak si Mommy nang ganito. The fck. Kinuha nila si Daddy at sumunod kami ni Mommy. May utang daw si Daddy na 2 million na hanggang ngayon, hindi pa niya nababayaran. 

"Kapatid na naman ba ni Daddy may gawa nito?"

She was driving. Namumula na siya dahil sa kakaiyak kanina, "Siguro alam mo na lahat, diba? Na hindi yung lolo mo ang nagpapahirap sa atin. Nalaman kong binili ni Marga ang company kung saan umuutang daddy mo. Kaibigan ng daddy mo yung may ari nun kaya okay lang umutang kahit may interes. Kaso binili ni Marga 'yung company na 'yun at ngayon, sa kanya na tayo may utang. She set this up, I'm sure."

Napailing ako. Tinawagan ko si Tyrone at sumagot naman siya agad. Tinanong ko siya kung saan yung office ng mga Constantino, pero ayaw niyang sabihin sa akin. Kung susugod daw ako, sasamahan niya ako dahil baka mapahamak lang ako. Nag-usap kami kung saan kami magkikita.

"Hindi ka pwedeng pumunta doon," Sabi ni Mommy sa akin. Pagod na pagod na ako. Sobrang daming nangyayari. Hindi ba pwedeng hinay hinay lang muna? "Kilala ko si Marga. Hindi siya magpapatalo." 

"Mommy, sa'yo ako nagmana. Bakit ngayon ka pa pinanghihinaan ng loob? Magtiwala naman kayo sa akin. Sawang sawa na ako makarinig ng mga kasinungalingan dahil tuwing nalalaman ko yung totoo, mas masakit lang. Tama na, Mommy. Bababa ako ng sasakyan. Sundan mo na lang si Daddy. He needs you."

Tinigil ni Mommy yung sasakyan, "Thank you." Sabay naming sinabi at bumaba na ako.

May pera pa naman ako kaya nag taxi na ako papunta sa lugar kung saan kami magkikita ni Tyrone. Nakita ko agad sa gasoline station yung sasakyan niya kaya sumakay na ako sa unahan. 

"What happened?" He asked, nag start na siya mag drive.

"Daddy was arrested."

"What?"

"Hindi lang naman kasi sa inyo umuutang sila Mommy. Marami kaming pinagkakautangan. Let's not talk about it anymore, please. Gusto ko munang magpahinga."

I closed my eyes. No, hindi ko kayang magpahinga. I need to think.

"Zeah?" Tyrone called me.

"Hmm?" Hindi pa rin ako dumidilat. Naramdaman ko na lang na may humawak ng kabilang kamay ko. Napadilat ako. He was driving seriously, pero yung kamay ko, hawak ng isang kamay niya. Mas hinigpitan pa niya yung hawak noong tumingin ako.

Not a Fairy Tale (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon