FIVE

104K 1.8K 445
                                    

"Gising na! Gising na! Gising na! Gising na! Wooooo, gising naaaaa!"

Nandito ako ngayon sa room ni Tyrone. It's 6:00 am, naka-ready na ako, pero siya? Natutulog pa din! Tulog mantika pa! I knew this would happen kaya nirecord ko boses ko sa phone ko tapos simula ngayon, ito na pang-gigising ko sa kanya. I talked to tita Ry and tito Justin din naman and guess what? Payag sila na gawin kung ano gusto ko. They trust me so much. Kaya nga nagguilty ako kasi I think, tita Ry hates even just the word 'revenge'. 

"Ano ba yan," Sabi niya habang nakapikit pa yung isa niyang mata. In fairness, mas okay yung itsura niya ngayon. Ewan ko ba kung dahil unruly yung hair niya o nasisikatan kasi yung maputi niyang mukha ng sunlight? 

"Anong ano ba 'to? Alarm clock mo 'to simula ngayon," Sabi ko habang pinapakita sa kanya phone ko. 

"Ang aga pa eh!" Tinakpan niya mata niya gamit isang braso niya.

"Hoy, Mr. Tyrone James Hao Dela Cruz! Unang una, susunod ka sa gusto ko. Pangalawa, bawal kang mag reklamo. Pangatlo, from now on, kailangan mo ng sanayin yung katawan mong gumising ng maaga kasi being an early bird is the first step to your success. Malinaw?"

Tumango na lang siya tapos natulog ulit. 

Nag sigh ako at lumapit sa kabilang ear niya, "TRYONE JAMES HAO DELA CRUZ, TANGINA MO! GUMISING KA NA!!!" Sabay tanggal ko ng kumot niya. 

Umupo siya, ang lapit ng mukha niya sa akin. Kairita! "BAKIT KA SUMISIGAW?!" 

"BAKIT KA GALIT?!" Tinaasan ko siya ng kilay while my hands are on my waist.

"KASI SA LAHAT NG AYAW KO, YUNG SINISIGAWAN AKO. NANAY KO NGA HINDI AKO SINISIGAWAN, IKAW P-"

"TYRONE JAMES HAO DELA CRUZ! ANONG KAGULUHAN 'TO?!" Si tita Ry. Hahahaha! Hindi pala sinisigawan ah? Pahiya ka, boy! Galit na si tita kasi buong pangalan na gamit niya. LOL!

"Bakit ba nandito yung tibo na 'to sa kwarto ko?!" He's really mad! 

"How many times do I have to tell you? Don't call her tibo. FYI, Tyrone James, ikaw ang nag request sa kanya na tulungan ka tapos ngayon naman, aarte arte ka diyan. Bahala ka pag sumuko si Zeah sa'yo. Buti nga mabait na ba-"

"Oo na, maliligo na ako," Tinanggal niya yung kumot sa katawan niya at dali daling pumunta sa CR. 

Parehas kaming bumuntong hininga ni tita Ry.

"Sorry anak, ha?" Sabi niya.

"Wala po yun, tita. Sanay naman po ako kay Tyrone," Ngumiti lang ako. Ewan ko, malapit talaga loob ko kay tita Ry eh. She's my 2nd mom. Ewan ko lang kung 3rd child niya ako. 

"Sorry talaga. Sige, maiwan na muna kita. Umiiyak na si Tyrese eh. Nagpaload kasi sa labas si ate Inday eh," Si Tyrese Jannelle Dela Cruz., 3 years old, ang pangalawang anak ni tita Ry and tito Justin. Sabi kasi ni tita sa akin, after ni Tyrone, saka niya tinuloy yung med kaya natagalan magkaroon ng pangalawa. Haha! 

Not a Fairy Tale (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon