Missing Chapter XI

50.6K 1.1K 117
                                    

It's Thursday today. Ipapakilala na ako as their new student athlete assistant. Pag scholar kasi, kailangan may ginagawa for the university. I chose to be a student athlete assistant. We tutor athletes and submit an evaluation sheet to every after tutorial session.

Besides, we have benefits:

- Special access in buying UAAP tickets for a limited time
- Free access to the athletes' gym
- Food incentives worth P100 for every meeting *ehem*
- Free USG Merchandise
- Free Locker Rentals
- Fulfillment of having served fellow Lasallians

"Zeah?" Gulat na tanong ni Tyrone noong pinakilala ako ng student manager nila. Niloloko pa siya ng team mates niya. Mukhang maayos naman grades niya so far kaya hindi ko siya kailangan turuan. Ang sabi naman sa job description namin:

"The main job of a tutor is to help athletes in their difficulties in subjects or topics by tutoring them."

I was dumbfounded when their student manager spoke, "You're lia-com, right? Tamang tama. You and Dela Cruz will surely match. Is it okay if you'll tutor him?"

AGAIN?!

'A tutor must devote at most 3 hours a week to assist the tutee in the subject of difficulty.' Naalala kong nakasulat sa job description. Really?!

Napalunok ako, "It's okay."

"Are you sure? Parang ayaw mo ata?" Pabirong tanong niya saka tumawa mga team mates ni Tyrone at niloko na naman siya.

"Okay lang," Sagot ko.

Nagtawanan sila at naglokohan na naman. Nalaman kong nag request pala si Tyrone ng tutor dahil nahihirapan siya sa mga courses niya. Talaga lang, ha? Kaya pala tinatanong niya ako kung kailan ako magsstart.

Sinabihan ako ng student manager na hingin ko yung number namin ni Tyrone, pero sabi ng team mates niya, meron na daw. Ano ba 'to! Mga lalaking tao, mga chismoso.

"Man, ang ganda ng girlfriend mo!" Bulong ng isang player kay Tyrone, pero rinig na rinig ko.

"She's not yet my girlfriend, man."

YET????

Nag-usap kami ni Tyrone na next week kami magsstart and every Friday since wala naman kaming pasok pag Friday. Lumabas na ako sa gym at nag abang sa elevator. Sa 9th floor kasi nagpapractice mga basketball players. Pag pasok ko sa loob ng elevator, nakita ko si Tyrone na tumkabo at hinarang yung elev.

"Anong ginagawa mo?" Gulat kong tanong.

"Hintayin mo na ko," Hinihingal pa siya. Sobrang pawis niya. "7:30 PM pa naman pasok mo. Maliligo lang ako."

I stared at him blankly, "May gagawin pa ko. Move."

"Kahit libre ko lunch and dinner mo?"

Hindi pa rin ako pumayag at bumaba na. Nag decide akong kumain sa Dixie's. Hindi ko na kinausap si Kuya Mac. Nag thumbs up na lang siya sa akin meaning alam na niyang beef with mushroom oorderin ko. While waiting for the other, someone poked my both sides.

"Ay fakshet," Sabi ko pero mahina lang. Si Tyrone kasama ibang team mates niya.

"Kaya pala dito nag aya kumain," Sabi noong isang player. Umupo sila sa table malapit sa akin pero si Tyrone, umupo talaga sa harap ko. Hindi ko na siya pinansin dahil dumating na order ko. Kumain na lang ako nang kumain.

"Hindi mo ba ako papansinin?" Tanong niya. Nag order din siya ng beef with mushroom. Kain lang ako ng kain. Hindi ko siya pinapansin dahil alam kong pipilitin niya lang ako.

"Mag model ka na kasi, sige na," Sabi niya. Pinipilit niya pa rin ako mag model para sa party ng org nila. Kasalanan ko bang sobrang active niya?

Tiningnan ko lang siya at umalis na ako. See?

Not a Fairy Tale (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon