MISSING CHAPTER VII

35.7K 913 100
                                    

*FLASHBACK*

2 days after kong kausapin si Princess, pinilit ko siyang ibigay address ng lolo niya. Aminado akong kinakabahan ako dahil mukhang powerful talaga pamilya nila, pero naisip ko, ano naman mapapala ng lolo niya sa akin?

Hindi naman kami magkaano ano, mukhang wala rin naman siyang pakielam sa tatay ni Zeah at sa pamilya niya kaya bakit ako matatakot? Isa pa, gusto ko lang siyang kausapin. He needs to get a hold of his brat grand daughter.

"Ma?" I called my mother. Nagbabasa siya ng libro tungkol sa medicine. 

"Yes?" 

"Paano kung ayaw nila Ama at Angkong kay Papa? Ipipilit mo ba? Kahit yung kapalit nun, palayasin ka nila at itakwil?"

Nag-isip siya ng sandali, pero sumagot rin naman, "Hmm. Depende. Depende sa parents, depende sa sitwasyon, depende sa Daddy mo, depende sa akin, at depende kung gaano ko ka-mahal magulang ko at kung gaano nila ako ka-mahal. Tyrone, anak, your angkong and ama are very understanding and I love them."

"Your point?"

"My point is, I have parents who understand me. Siguro kahit ayaw nila sa Daddy mo, tatanggapin pa rin nila ako. It would not change the fact that I'm their daughter and they love me more than anything. Teka, is this about Alzeah?"

"Her parents."

Tumawa siya, "I knew it." Sinabi niya sa aking kilala na niya sila Zeah noon pa, bago pa sila lumipat ng bahay. Nasa beach sila at iniwan nila ako kay Angkong at Ama tapos narinig nilang nag-aaway parents ni Zeah. Hindi na daw niya maalala yung napag-usapan nila, pero sigurado siyang lolo ni Zeah pinagaawayan nila.

Gusto ng lumayo ng mommy ni Zeah, pero her dad chose to say for them. Ayaw daw kasi ng lolo ni Zeah sa mommy nito. After a couple of years, doctor na si Mama, nag-kita ulit sila. Na-ospital si Zeah, pero wala silang pampagamot. Si Mama yung naassign sa kanila and she remembered them well. Tinulungan nila family ni Zeah noon.

Kinwento ko yung mga nangyari sa nanay ko, kahit yung mga sinabi ni Princess. Noong walang nakakaintindi sa akin, siya lang ang nag-sabi na kaya ko. Siya ang pumilit kay Zeah na turuan ako. She trusted me and she still trusts me. Now it's my turn to trust her.

"Ma, I'll talk to her grandfather. Just... don't tell anyone yet. Don't tell Zeah."

"You really love her, don't you?" She smiled. "You just lied to Zeah, anak. You just lied to your friends. I understand that some people lie for a reason, but after you talk to her grandfather, be sure to tell the truth. They'll get hurt. Sure they'll forgive you 'cause they love you, but remember, ang pinakamahirap i-balik sa lahat ay tiwala ng isang tao."

Hindi ko alam sasabihin ko, sa totoo lang.

"But always remember this: Walang magulang ang gustong mapahamak anak nila. Hindi ko kakayanin pag nawala ka, Tyrone. Kaya maybe, just maybe, may reason yung lolo ni Zeah. I don't know. Who are we to judge, right?"

Not a Fairy Tale (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon