7

70K 1.5K 301
                                    

"Zeaaaaaah!" Louisse hugged me.

Sa ibang school maglalaro sila Tyrone kaya noong tinext ako ni Louisse na magkita kami sa bench malapit sa room namin, nagreply na rin ako para may kasabay akong pumunta. Susunod rin sila Summer, Storm, at Coby dito. Actually, kanina pa naman kami nasa school pero ngayon lang kami nagkita ni Louisse. Red team kasi siya at ako naman, Black team. Ang daming tumatawag sa akin para mag-laro, nakakapagod!!!

Tinulak ko siya, "Hindi ako makahinga, sandali, tangina!" 

Natawa siya, "Pwede ka na mag-mura?" Gulat niyang tanong. "Wait lang, you look different today. What's up? Ikaw ah, may hindi ka ba nakkwento?"

"Pwede nga ako mag-mura, hindi naman ako pwedeng mag-ipit ng buhok. Ikaw din, nag-iba ka. Sobrang itim mo!" Hindi naman siya sobrang itim pero umitim pa rin siya.

She pouted, "Nognog na nga e. Ang dami naming ginawa! Si Storm nga, ang laki ng sugat tapos si Summer, may pasa. Ako at si Coby, gasgas lang. Hehehe!"

"Tinatanong ko?" I raised a brow.

"Hindi mo ba kami namiss?" Tanong niya.

"Kay Ethan mo 'yan i-tanong, wag sa akin."

Nakangiti pa rin siya tapos hinug ulit ako, "Yiieee aminin mo, namiss mo rin kami!" Inaalis ko yung hug niya sa akin, pero ang higpit higpit pa rin ng hug niya. 

"Nirerape mo na naman si Idol," Sabi ni Coby.

"Bitawan mo nga, Louisse!" Sabi ni Summer kaya bumitaw na si Louisse.

Storm smirked, "Ang clingy ah."

Sabay sabay silang naglalakad papunta sa amin, "Mga nognog." Sabi ko sa kanila. Tumawa sila at noong nakarating sila sa amin ni Louisse.

"GROUP HUG, GUYS!" Sigaw ni Coby. Pinagitnaan nila ako at yinakap.

"ANO BAAAAAAAAA!" 

Tinulak ko sila tapos tumawa sila ng tumawa, "Namiss ka namin!!!" Sabi ni Summer.

Nag-lakad na kami papunta sa parking lot. Grabe, umingay na naman mundo ko. Si Coby nga pala yung driver, si Storm sa shotgun seat, at kami naman nila Summer at Louisse dito sa likod.

Bzzzt. Bzzzt.

Sabay namin nilabas ni Louisse phone namin. Nag vibrate din ata phone niya.

From: Tyrone James Dela Cruz

Message: Where are you?

Tiningnan ko phone ni Louisse tapos si Ethan naman yung nag text sa kanya. Tinatanong kung nasaan din siya. Baka naman nag-usap yung dalawang 'yun? Hindi ko na lang nireplyan kasi for sure, sasabihin naman ni Ethan kay Tyrone kung nasaan kami. Hayaan ko na lang na silang Ethan at Louisse ang mag-usap. 

Not a Fairy Tale (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon