MNC_introvert

Isang araw, mayroong lalaking biglang gumupit sa buhok ko, hanggang sa hindi na ako tinantanan nito...
          ...
          
          Salot, aswang, at mangkukulam kung ituring ng mga tao. Ang mag-inang sina Aling Dolores at ang anak niyang si Hera Chavez ay sinusumpa, nilalait, at sinasaktan ng mga taga La Hermosa. Lalo na dahil sa kanilang mahaba, kulot, at buhaghag na buhok.
          
          Itinatago ang sarili sa isang hoodie at facemask, natatakot at nahihiya si Hera sa trato ng mga tao sa kanya. Palagi siyang tumatambay sa likurang field ng university dahil sa lugar na iyon siya nakakita ng kapayapaan. 
          
          Ngunit isang araw, mayroong lalaking bigla na lang ginupit ang buhok niya. Ang lalaking kauna-unahang nakakita sa kanyang tinatagong mukha: si Ruch Delgado. Nanlaki ang mga mata nito at bigla na lang itong kumaripas ng takbo. Kasabay ng pagtakbo nito ay ang bilis ng pagtibok ng kanyang puso.
          ...
          
          https://www.wattpad.com/story/365322756?utm_source=android&utm_medium=link&utm_content=story_info&wp_page=story_details_button&wp_uname=MNC_introvert