Katulad ng mga nakasanayan nating kwento, may simula ang lahat. Ang isang relasyon, ang kalayaan ang unang hakbang at ang bawat pangarap.

May mga bagay sa buhay natin na naghihintay lang ng pagkilatis, ng konting pansin at ng pag-unawa. Mga bagay na katulad ng pagsikat at paglubog ng araw ay masasabi nating kinakailangan nating upang tayo'y maging mas matatag at mas mabuting tao.

May mga bagay na kailangan din natin hawakan ng mahigpit; dahil hindi natin alam kung kailan sila maaring tangayin ng malakas na hangin at maiiwan tayong nangangapa upang mabuo muli ang larawang minsa'y nagpaligaya sa atin.

Ito ang mga katotohan ng buhay. Mapait. Matamis.
  • JoinedMarch 16, 2015



5 Reading Lists