ionathas
Ako si Emilio Cruz, scholar sa university para sa mga Awakener. Non-combat type lang ako, mababa ang tier, at ayon sa scanners, iisa lang ang nakikita nila: linguist na kayang intindihin ang lahat ng wika. Pero kahit ganoon, nakikita ng iba sa kilos ko ang puwersang hindi masukat, hindi maipaliwanag.
Nung unang humarap ako sa Obelisk, may sumagot sa akin-hindi sa salita, kundi sa mga simbolo. Ang System ko, lihim at invisible sa kahit anong makina, ay nagpapakita ng kapangyarihang lampas sa sukat. Sa mundo ng rules, statistics, at scanners, paano ko ipapaliwanag ang Luminara na tumutugon sa akin? Sa bawat hakbang sa university, unti-unti kong maririnig ang sagot... at alam kong ang mga simbolo ay para sa akin lamang.