vieloveu
Title: Beneath the Rain
(ππππ π¦πππ’π’π π¦ππ₯πππ¦)
Sa likod ng matataas na grado at medalya, may isang binatang hindi sigurado kung para saan ang lahat ng pagsisikap niya-si Ace, na patuloy na pinipilit ng kanyang pamilya na maging perpekto. Sa isang gabi ng malakas na ulan, nakilala niya si Grace-isang mahiwagang dalaga na may matamis na ngiti sa kabila ng mahinang puso.
Isang estudyanteng walang ibang alam kundi manalo, at isang babaeng natutunang tanggapin ang sariling kahinaan-magkaibang mundo, pero pinagtagpo ng isang saglit sa ilalim ng ulan. Habang dahan-dahang bumubukas ang kanilang mga puso, matutunan kaya nilang harapin ang takot at mga inaasahan na matagal nang bumabalot sa kanila?
Sa pagitan ng mga kompetisyon, mahigpit na pamilya, at lihim na sakit-ang kwento nila ay isang paglalakbay ng pagkatuklas, pagpupursigi, at tunay na koneksyon.
Minsan, hindi lang ulan ang bumabagsak-minsan, pati mga harang na itinayo natin sa ating puso.
πͺπΏπΆππ²πΏ: π©πΆπ²πΉπΌππ²π
ππ»ππ½πΆπΏπ²π±: WHEN I FLY TOWARDS YOU