hrtcupquack
"Kaibiganin mo nga si Kim Jiwoo ng Section A kung wala ka talagang tinatalikurang hamon!"
Ayan ang munting hamon na ibinigay sa'kin ng aking mga kaibigan, na lingid sa aking kaalaman, ay magdudulot pala ng panibagong pangyayari sa aking buhay.
Ako si Jang Kyujin, isang taong hindi umuurong sa bawat pagsubok - sa paligsahan man ito, sa larangan ng laro o sa pagsayaw. Hindi ko maitatanggi, sikat ako sa aming paaralan, pala-kaibigan at sanay na nakakamit ang lahat ng mabilisan. Sina Seol Yoon-ah at Oh Haewon ang aking pinakamatalik na mga kaibigan. Sila rin ang nagbigay sa akin ng isang dare na makakapagpabago sa aking buhay.
"Gagamitin ko na ang pagkakataong ito upang malaman kung ano nga ba ang namamagitan kina Sullyoon at Bae!"
At eto naman si Kim Jiwoo, isang matalinong tao, ngunit bibihira lamang ang nagiging kaibigan dahil abalang-abala sa pag-aaral ng mabuti. Ang pinakamatalik niya lamang na kaibigan ay sina Bae Jin-sol at Lily Jin Morrow.
Dalawang magkaibang mundo ang pinaglandas ng isang patagong laro.
Ngunit paano kung ang taong pinaglaruan mo ng matagal ay matagal ka nang lihim na minamahal? Paano ko ipaglalaban ang pag-ibig na nagsimula lamang sa isang "dare"?
A Jjyukkyu fanfic.
A little bit of SullBae and Haely if you squint your eyes enough.
⚠️ I will say this early on that I will NOT frequently upload chapters because I will be busy with academics and life. ⚠️
Thank you and I hope y'all readers, can enjoy this fanfic! Don't forget to leave a star and comments :))
I will translate this later on when I finished all the chapters 🙂