Description
Simula bata pa lang ay matalik nang magkaibigan sina Andrew at Catherine, pareho silang only child ng kanilang mga magulang. Naging matatag ang kanilang pagiging magkaibigan dahil na rin sa tulong ng isa't isa. Maunawain, mabait at mapagbigay si Catherine habang si Andrew naman ay pasaway pero kahit na may pagkakaiba ang kanilang pananaw at pag uugali hindi ito naging hadlang upang magkasira sila. Halos magkapatid ang turingan nila sa isa't isa at hindi mapaghiwalay. Almost perfect ang kanilang pagsasamahan. Hanggang isang araw napagdesisyunan ng magulang ni Catherine na mag ampon upang magkaroon sya ng kapatid. Maging hadlang kaya si Maggie upang ipagtapat ni Andrew ang kanyang nararamdaman para kay Catherine? Pero pano na lang kung may pagkakataon na si Andrew at biglang mawala si Catherine ng mahabang panahon at hindi na sya mahanap nino pa man? Will his love survive? May chance pa kaya upang magtapat si Andrew tungkol sa tunay nyang nararamdaman para sa kanyang matalik na kaibigan? Find out in Trovarti Note: Trovarti is an Italian word for Finding you.