STATIM FINIS (Pagwa...
By FilibusteroTad
6.8K
449
12
  • Spiritual
  • classic
  • filibustero
  • filipino
  • gemaaward
  • god
  • justwriteit
  • justwritelt
  • pinoystories
  • statimfinis
  • tagalog

Description

Ang libro ay naglalaman ng mapanirang akda na puwedeng sumira sa paniniwala ng nakakabasa nito. Nakakaapekto ang binasang libro sa isip at damdamin ng bumasa nito. Maaring maging masaya, maging malungkot; matakot,at manatiling nag-iisip ang mambabasa dahil sa itinanim na kuwento sa kanyang isipan. Ang libro ay espesyal, puwede ka nitong dalhin kahit saan, bubusugin nito ang iyong isipan. Huwag kayong maniniwala sa nagsasalita, tanging sa nakasulat lamang. Ang lahat ng kailangan malaman sa mundong ito ay nasa aklat na dapat basahin ng lahat; ang Biblia. Ang aklat ng buhay at salita ng Diyos. Kapurihan at pag-papasalamat sa Diyos na pinaka makapangyarihan sa lahat. Ang storyang ito'y mangyayari pa lamang sa mundo, huwag mabalisa, dahil kailangan itong mangyari; malapit na ang pagbabalik. Talikuran na ang masamang gawain at wag nang bumalik. Ang pagbabalik ay nalalapit, datnan ng Diyos ng may pananalig. Marahil makikilala mo ang sarili mo at maaalala mo ang iba't ibang tao na nakilala mo sa pamamagitan ng mga tauhan sa istorya o marahil hindi mo pa ito naririnig. May mga maling paniniwala tayo na malalim na nakaugat sa kasaysayan nating mga Pilipino. Ito'y katulad ng mga pamahiin at mga aral mula sa mga prayle. Ito'y mga paniniwalang na pasa mula sa ating mga ninuno hanggang sa atin; patungo sa ating hinaharap na kung walang magtatangkang bumali ay patuloy itong mabubuhay kasama natin. Kaya't nagtangka akong isulat ng mas ispisipiko at organisa ang mga aral na kinikilala nating totoo at sinubukang taliwasin ito sa pamamagitan ng mga karakter sa istorya. Ang mg karakter naman na nasa istorya ay totoo at ibinase ko sa tunay na tao, pinalitan ko lang ang kanilang pangalan ngunit ang diwa ng kanilang salita ay nandoon. Ang aral na narito ay mula sa biblia, na dapat binabasa ng lahat ng tao na hindi makaugaga sa mga gawain ng makamundong bagay. 6/15/16 - 3/21/17

Paunang Salita

Continue Reading on Wattpad
STATIM FI...
by FilibusteroTad
6.8K
449
12
Wattpad