Description
May malalang toothache si Candid. Pero hindi niya 'yon nakuha mula sa pagkain ng matatamis. Nagmula 'yon sa love potion na nakain ng best friend niyang si Spontaneous, dahilan para ma-"in love" ito sa kanya. Sa kabutihang-palad, may "kondisyon" naman para mawalan ng bisa ang love potion. Kailanganlang mapuno nina Candid at Spontaneous ang "happiness meter" sa pamamagitan ng pag-arte na parang totoong couple. Meaning, kailangan nilang pasayahin at pakiligin ang isa'tisa. Ang problema lang, hindi sila puwedeng magkahiwalay nang matagal dahil kung hindi, sasakit ang ngipin ni Candid. Ang akala ni Candid ay madali lang nilang magagawa ni Spontaneous ang "kondisyon" dahil mag-best friend naman sila at komportable na sa isa'tisa. Pero 'yon pala ang magiging pinakamalaki niyang problema. Sa sobrang komportable kasi niya, parang nagiging totoona ang feelings niya para kay Spontaneous... na "in love" lang naman sa kanya dahil sa love potion. Mukhang habambuhay na yata siyang magdudusa sa toothache...