Description
Naratay sa isang hindi maipaliwanag na karamdaman ang hari ng mga bampira na si Haring Ambrogio. Ayon sa orakulo, tanging ang dugo lamang ng isang de Soto ang makapagpapagaling dito. Si Warrick Demetrius ay ang prinsipe ng mga bampira na naatasang humanap sa natitirang salinlahi ni Francisco de Soto. Sinasabing ang mga de Soto ay nagmula sa lahi ng mga vampire slayers. Kailangan niyang matagpuan ang kahuli-hulihang descendant ng mga de Soto upang ialay sa hari bago pa mahuli ang lahat. It was just a simple task, or at least Warrick thought it was until he met Jasmin Contreras--the last remaining descendant of Francisco de Soto. Suddenly he found himself in a very difficult situation. Parang hindi na niya gustong dalhin si Jasmin sa kanyang ama, parang mas gusto niyang siya na lamang ang tumikim ng dugo nito--exclusively.