Description
"He's from the past.. Pero kasama ko siya ngayon. Bigo akong iwasan na mahalin siya.." Siya si Francis Suarez, isang engineer sa isang malaking telecom company dito sa Pilipinas. At ako naman si Melody Fagar, isang reporter sa isang kilalang news website na pagmamay-ari ng isang sikat na TV network. In love ako kay Francis, pero ang problema, comatose siya. Mga ilang araw na rin siyang nakahiga diyan, walang malay -- pero humihinga -- at tumitibok pa rin ang puso. Pero bukod sa comatose siya, meron pang isang problema.. Isang mas malaking problema.. Si Francis kasi.. Hindi niya ako kilala.. ----------------- About the book: "He's From The Past And I Love Him" ay isang romance-mystery TagLish (tagalog-english) book na magpapatunay na "love knows no reason, no boundaries, no distance.." What if bigyan ka ng chance na mahalin ang tao mula sa nakaraan? FIRST PUBLISHED ON AUG. 26, AND WAS COMPLETED ON SEPTEMBER 6, 2015.