Description
"Parang ulan ang feelings ko, hindi dahil sa malungkot or sentimental ang lovelife ko, pero singdami ng patak ng ulan na ako na-inlove." Napakabilis, parang kidlat. Kapag may naka-close ako, nag-aassume agad ako ng kung anu-ano, I knew to myself na hindi dapat naiinlove agad-agad, I'm not ignorant of the basics: na dapat kilalanin muna at bigyan ang time bago ituloy kung ano man 'yang feelings na iyan, but I break my self-rules anyway. This story is a parody of my isko life in college, well, not all. Let's skip the instances na nag-aaral ako ng mabuti or nabundol ako ng skateboard, stuffs like that. Let's talk about the thing that spice up my college life - things that made me stronger, wiser, things that molded me and continues to do so, and hoping na makakuha ka (readers) ng mga tips or rules about how to handle your freaking feelings well. I wouldn't babble about the mainstream advises, stuffs like "niloko niya ako" or "pinaasa niya ako wooh!", although this story is mainly about "pagpapaasa", "landi", "false hopes", etc. Kung isa ka sa mga taong nagmahal ng mali at nasaktan ng ilang beses, well magsasawa ka at makikita mo ang sarili mo sa istoryang ito. Feeling mo ikaw yung mismong character sa story, well, sort of. Wala ng patumpik-tumpik pa! Simulan na nating maglaro ng volleyball, pero yung feelings ko ang bola. Pasahan tayo ng bola - pasa dito, pasa doon, minsan gusto ko ng ma-out sa laro, pero aminado akong gusto ko pang maglaro pa, kahit masakit ng ituloy pa. Masarap sa feeling eh, love is a kind of drug nga diba? Pero it's caused by a neurotransmitter called dopamine flooding your brain. Enough of the science talks. [Paalala]: Ang istorya na ito ay may halong tema at eksenang hindi angkop sa mga bata, lol, what I mean is maraming explicit words dito because apparently your writer is so conyo and mahilig magmura. Dahil expert ako sa pagmumura, I advice na wag niyo ng basahin or i-blurr niyo na lang sa isipan niyo yung mga explicit words, okay? Cool :)
Prologue