Description
*Based on a true story* Na-feel mo na ba yung ma-in love? Sabi nila, masaya daw. Masaya daw yung sa umaga, may magtetext sayo ng "Good morning, kain ka na agad ha? Iloveyouâ„" Yung pag nag-sskip ka ng meals, nagagalit. Pag nagpapagabi ka, nag-woworry. Yung ang cute mag selos sa maliliit na bagay. Yung kinukulit ka lagi, tas babawiin ka ng lambing. Na-feel mo na ba yun? Gusto ko kasi ma-feel yun. Hello, ako nga pala si Arielle Janine Madrigal. Babae, 16. Sa panahon ngayon, hindi na tayo tulad nina Maria Clara na kailangan nasa tamang edad bago mag-mahal. Na dapat hindi tayo mahahawakan ng mga manliligaw natin, na dapat sa bahay talaga nanliligaw. 4th year palang ako, halos lahat ng mga kaklase kong babae may lovelife na. Yung iba, may boyfriend. Yung iba "M.U" ano ba yung M.U? Eh halos parehas lang naman yun sa mga in a relationship ah? Nag-aalala ka sakanya, may "iloveyou-han", hatid-sundo. Naiinggit na ko sakanila. Naiinggit na ko sa mga kinikwento nila. Yung may nagpapasaya sakanila. May nadalaw sa bahay nila, may nagtetext parati. Yung may nag-aalala? Gusto ko nadin ata magkaron ng boyfriend. Hindi naman ako desperada eh, sawa lang talaga ako mag-isa. Kuntento naman ako sa mga friends ko, iba padin yung may nagmamahal sayo na katulad ng sa boyfriend.